Tuesday , December 7 2021

Kevin Poblacion, determinadong sumikat at makilala

MAY kaya at maganda ang buhay ng pamilya ni Kevin Poblacion sa Canada kaya naman kung tutuusin, hindi na niya kailangang magtrabaho. Pero narito siya sa Pilipinas para tuparin ang matagal nang pangarap, ang maging artista at magaling na actor.

Kaya naman ginawa niya ang lahat para makapasok at maging isang tunay na alagad ng sining. Naglaan siya ng oras para mag-workshop at tiniis na malayo sa mga magulang at kapatid para matugunan ang noon pang minimithi.

Kaya naman sa unang pelikulang Adik na pinagbibidahan niya at idinirehe ni Neal Tan mula sa BJP Production, tiniyak ni Kevin na handa na siya at tiyak magugustuhan ng sinumang makakapanood sa kanya.

Ipinanganak at lumaki si Kevin sa Canada. Nakapagtapos ng kursong Tourism at Fligh Attendant course sa Canadian Tourism College sa Vancouver. At para matupad ang pangarap na makapag-artista, nag-enrol siya ng acting workshop kay Direk Ryan Carlos at Star Magic saABS-CBN.

Nakuha niya ang certification of completion noong 2015 at nag-enrol na naman sa isang advanced acting workshop sa ABS-CBN sa loob ng anim na buwan.



Pagkatapos ng acting workshop, na-enjoy ni Kevin ang lalo pang pagpapalawig ng kanyang pag-arte. Inaral din niya ang tamang pagsasalita ng Tagalog. Kaya naman malaking bagay kay Kevin ang paggawa ng pelikulang Adik.

Ani Kevin, nanood siya ng mga documentaries ukol sa addiction bago niya sinimulan ang paggawa ng pelikula.

Very proud ang mga magulang ni Kevin sa kanyang narrating kaya naman sila na mismo ang nag-prodyus ng pelikulang ito na isang advocacy film.

“The movie make me realize so many things in life. Hopefully we can show it in school around the country and probably internationally,”anang binata.

Ang Adik ay pinagbibidahan din nina Ara Mina, Rosana Roces, Gino Ilustre at marami pang iba. Ito’y mapapanood na sa October at ini-release ng Cine Local, Film Development Council fo the Philippines.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, showbiz gay, male stars models

Maimpluwensiyang showbiz gay trip i-video ang kakaibang ‘date’

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng loob ng isang showbiz gay. Mukhang marami na siyang naiipong pictures at …

Tony Labrusca

Tony Labrusca bumaba ang popularidad

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN lang namin, mukhang napakabilis yata ng pagbaba ng popularidad ni Tony Labrusca. May …

James Reid Nadine Lustre Jadine Ikea

Career nina James-Nadine mag-survive kaya kahit hiwalay na?

HATAWANni Ed de Leon NAKITA sina James Reid at Nadine Lustre sa isang shop noong isang araw, pero maliwanag namang hindi sila magkasama. …

Albie Casino, Andi Eigenmann, Jake Ejercito

Albie milyon ang nawala dahil kay Andi

MA at PAni Rommel Placente NAIINTINDIHAN na namin kung bakit hanggang ngayon ay galit at …

Blind Item, Man Woman Fighting

Aktor at aktres panay ang dyombagan

FACT SHEETni Reggee Bonoan AWAY-BATI ang drama ng magkarelasyon na ito at matindi silang mag-away dahil …

Leave a Reply