Ronnie Alonte, ‘di apektado sa panliligaw ni Joshua kay Julia

Ronnie Alonte, ‘di apektado sa panliligaw ni Joshua kay Julia

MUKHANG hindi apektado si Ronnie Alonte kung nanliligaw si Joshua Garcia sa kanyang ka-loveteam sa A Love To Last na si Julia Barretto.

Matunog kasi ang tsika na nanliligaw siya kay Loisa Andalio.

Mariing itinanggi ito ni Ronnie. Magkaibigan lang sila ni Loisa gaya  nina Julia at Sue Ramirez. Gusto ng fans na magka-loveteam din sila, may fan base kaya nagkakaisyu.

“Wala po talaga pero happy ako,” deklara pa ni Ronnie na isa sa bida ng pelikulang Bloody Crayons.

TALBOG – Roldan Castro