Thursday , June 4 2026

Ricky Lee sa pagre-resign sa MMFF: Wala nang dahilan para mag-stay pa ako

PINAG-UUSAPAN ang tatlong MMFF execom members na nag-resign pagkatapos ianunsiyo na pasok na ang apat na pelikula sa Metro Manila Film Festival 2017. Ito’y sina Rolando Tolentino, Ricky Lee, at Kara MagsanocAlikpa. Marami  ang nagtatanong kung bakit?

“Sa mga nagtataka at nagtatanong kung bakit ako nag-resign bilang miyembro ng Execom ng MMFF, simple lang naman ang sagot. Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako na mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016. Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyon mangyari. Kaya wala na ring dahilan para mag-stay pa ako,” post ni Lee sa kanyang Facebook account.

Ang apat na pelikulang pumasok ay pawang commercial at mainstream movie gaya ng Ang Panday ni Coco Martin, Almost Is Not Enough nina Jericho Rosales atJennylyn Mercado ,The Reveners nina Vice Ganda, Daniel Padilla, at Pia Wurtzbach, at Love Traps #Family Goals nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Sinasabi nila na bumalik na naman ang tradisyon sa MMFF. Pero mas maigi na ito kaysa nakaang resulta sa takilya ng MMFF na puro indie ang ipinalabas. I-sure na lang na may quality ang unang apat na pelikula na napili dahil ‘yan naman talaga ang gustong panoorin ng mga bata sa Pasko.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …