Thursday , June 4 2026
shabu drug arrest

Pamilyang tulak arestado sa P.5-M shabu

SWAK sa kulungan ang apat miyembro ng pamilya na negosyo ang pagtutulak ng ilegal na droga, makaraan arestohin ng mga pulis sa buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Caloocan Police chief, Senior Supt. Chito Bersaluna ang mga suspek na si Freddie de Guzman, Sr., 63, dalawang anak niyang  sina Freddie, Jr., 40, at Zaldy, 36, at manugang na si Angelica Ingaran, 26, residente sa 8th Avenue, Brgy. 59, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bersaluna, dakong 2:00 am nang isagawa ang buy-bust ng mga tauhan ng DEU ng PCP-2 laban sa pamilya De Guzman.

Arestado si Freddie, Sr., at ang mag-asawang sina Freddie, Jr. at Angelica makaraan magbenta ng P500 halaga ng shabu sa pulis na umaktong poseur-buyer, habang si Zaldy ay nadakip habang gumagamit ng ilegal na droga sa loob ng kanilang bahay.

Narekober sa mga suspek ang 5.3 gramo ng shabu, P500,000 ang street value, drug paraphernalia at marked money.

Samantala, nadakip sa hiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng PCP-2 ang hinihinalang drug pusher na si Ricky Maghanoy, 31, ng Malvar St., Brgy. 142, Bagong Barrio, dakong 5:30 am sa 11th Avenue, at nakompiskahan ng dalawang sachet ng shabu at P500 marked money.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …