Friday , September 22 2023

Ang Ramadan

 ANG Golden Mosque sa Quiapo, Maynila sa pagtatapos ng selebrasyon ng Eid al-Fitr dakong 12:00 nn, kahapon. (Kuha ni Ronaline Avecilla)
ANG Golden Mosque sa Quiapo, Maynila sa pagtatapos ng selebrasyon ng Eid al-Fitr dakong 12:00 nn, kahapon. (Kuha ni Ronaline Avecilla)

ISANG malaking krisis ang kinakaharap ng mga kapatid nating muslim ngunit hindi ito naging hadlang at ipinakita nila ang pagkakaisa kahapon sa Quirino Grandstand.

Kasabay nang pasasalamat nila kay Allah ay pananalangin para sa kapayapaan ng bansa.

Malaking tanong pa rin sa iba kung ano ang Ramadan, lalo sa isang bansang mas marami ang Kristiyano.

Ano nga ba ang Ramadan at bakit ginagawa at ipinagdiriwang ito ng mga Muslim?

Ang Rama-dan ay kabilang sa limang lunduyan o haligi (5 pillars) ng Islam na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kanilang ka-lendaryo, na naihayag ang Qur’an.

Ito ay panahon ng pag-aayuno at iniiwasan nila ang kumain, uminom, lumunok ng laway, tumabi sa asawa, manigarilyo, pagsambit ng masasamang salita at pagsisinungaling mula 4:00 am hanggang 6:30 pm.

Ang buntis o bagong pa-nganak ay hindi kabilang sa pag-aayuno.

Ang Eid al-Fitr ay “Wakas ng Ramadan” o pagtatapos ng ayuno, pasasalamat kay Allah, pagpapa-tawad at pagbibigayan sa kapwa.

Kasama sa limang haligi ng Islam ang pamamahagi ng isang porsiyento ng kanilang ari-arian o kita isang beses sa isang taon, pagdarasal nang limang beses sa isang araw, pagpunta sa Mecca o ang tinatawag na Hadj isang beses sa buhay nila, at ang maniwala sa iisang Di-yos nila na si Allah at ang propetang si Mohammad.

Ginunita at ipinagdiwang ang Eid al-Fitr sa kanilang Mosque at sa Quirino Grandstand na sinimulan sa isang congressional prayer at nagtapos sa gift-giving.

ni Ronaline Avecilla

About hataw tabloid

Check Also

Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Moira kaaliw sumagot parang lasing pero ‘di naman uminom

COOL JOE!ni Joe Barrameda KINAGISNAN ko na yata ang Disteleria Limtuaco. Matagal nang kilala ang …

Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Moira iginiit ‘di siya lasenggera

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Moira dela Torre dahil siya ang first brand ambassador ng Maria …

Marian Rivera Carbocisteine Zinc Solmux Advance

Fans ni Marian, nagkagulo nagkandarapa sa pagpapa-selfie sa aktres

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IBA talaga ang dating ni Marian Rivera. Malakas pa rin at talagang …

Krystall Herbal Oil

Retired nurse, enjoy na enjoy sa kanyang retirement sa piling ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Isang Magandang …

Moira Dela Torre Maria Clara Sangria

Jingle ng leading sangria brand ng bansa ginawa
MOIRA UNANG BRAND AMBASSADOR DIN NG MARIA CLARA SANGRIA

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SI MOIRA DELA TORRE ay brand ambassador na ngayon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *