Wednesday , December 7 2022

Congratulations to the new attorneys!

Binabati po natin ang mga bagong abogado na nakatakdang manumpa sa kanilang propesyon sa darating na 22 Mayo.

Eksaktong 3,747 ang mga nakapasa sa November 2016 Bar exam na pinamayanihan ng mga graduate mula sa Visayas universities gaya ng University of San Carlos (USC) sa Cebu City, Silliman University at iba pang pamantasan sa Minadanao.

Ito rin umano ang ikalawang pagkakataon na umabot sa 60 percent ang kabuuang bilang ng mga nakapasa sa bilang ng mga kumuha ng Bar exam.

Ang tanong natin, ano ang gagawin nang halos 4,000 bagong abogado?

Karamihan sa kanila, imbes magtrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno gaya sa National Bureau of Investigation (NBI), BOC, BIR, BI, DOJ o Public Attorneys Office (PAO), at iba pang ahensiya na nangangailangan ng abogado, mas gugustuhin nilang magtayo ng sariling bupete at mag-notaryo dahil sa maliit na suweldo sa gobyerno.

Kaya hindi tayo nagtataka kung bakit sa Visayas at Mindanao ay kulang na kulang ang mga fiscal.

Mantakin ninyong ang laki ng ginagastos ng isang estudyante na kumukuha ng abogasya.

Pero pagka-graduate at matapos makapasa sa Bar e hindi makakuha ng trabahong sapat ang suweldo upang bihisan ang kanilang sarili at mamuhay nang hindi miserable ang kalagayan?!

Gaya rin ng mga doktor, nurses at engineers na mas gustong mangibang bayan kaysa rito magtrabaho sa ating bansa.

Panahon na talaga upang seryosohin ng pamahalaan na ipatupad sa iba’t ibang anyo at level ang salary standardization law (SSL).

Ipatupad na ‘yan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply