Wednesday , October 5 2022

Kalaban ni Richard sa politika, nilamon ng inggit

BUO ang loob ni Richard Gomez, hindi siya natatakot sa ginawa niyang pagdedemanda laban sa mga taong nag-aakusa sa kanya. Umano, nasa listahan ni Mayor Rolando Espinosa ang pangalan ni Richard na kahahalal pa lamang ng mga kababayan as Mayor ng Ormoc City kasama sa usaping droga.

Nabigla si Richard dahil sa against siya sa droga kahit noon na wala pa si Presidente Rodrigo Duterte. Tapos, heto, ingat na ingat siya sa pag-aalaga sa kanyang pangalan dahil nasa showbiz siya at ni wala pa sa hinagap na magiging Mayor ng Ormoc City. Gusto kasi ni Richard na mataas at respetable ang tingin sa mga showbiz people.

Eh, ngayon na nahalal siyang Mayor ng Ormoc, mas lalong iniingatan niya ang kanyang pangalan na respetable ng mga taong nagtiwala sa kanya na may malaki siyang magagawa sa ikauunlad ng mamamayan ng Ormoc.

Naghahanda na si Mayor Richard sa mga gagawin niya at tutuparin niya ang mga ipinangako niya sa mga mamamayan noong nangangampanaya siya. Tapos, heto, sa isang iglap, biglang dumating ang bangungot sa buhay niya. Sa isang iglap, sisirain siya, pero marami ang hindi naniniwala sa bintang at alam ni Mayor Richard, politika ang ugat kaya nasangkot ang pangalan niya.

Nilamon ng inggit ang kalaban niya sa politika, kaya nakasilip ito ng paraan ng paghihiganti sa pagkatalo.

Well, yes, walang takot, walang buntot na nakabahag, nagdemanda si Mayor Richard with wife Rep. Lucy Torrez laban sa taong siyang nagsabing sangkot ang actor-politician sa droga. Laban kung Laban!

Tandem nina Super Tecla at Donita, click sa audience

NAG-KLICK ang tandem nina Super Tecla at Donita Nose sa Wowowin ng GMA-7. Mas nauunang nagpapakuwela si Donita. Pero ng minsan sa isang episode ng nasabing show, ang guest sa Sang Tanong ay mga comedian-performer ng mga Comedy Bar, isa si Super Tecla sa contestant.

After ng show, sinabi ni Willie Revillame, ang host-producer ng Wowowin na gusto niyang mag-main stay ng show si Tecla at tandem sila ni Donita. Parang trial balloon lang ang gagawin ni Willie, pero nakikita niyang nagtatawanan ang audience sa pakulo ni Tecla at Donita.

Sa madaling salita, nag-klik ang tandem nila. Hayun, mainstay na sa show si Tecla. Malaki raw ang pasasalamat niya kay Willie, mas matatag na ngayon ang katayuan niya at para sa pamilya niya.

Talaga! buka pa lang ng bibig ni Super Tecla,hahalakhak ka na!

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

About Letty Celi

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply