Wednesday , February 28 2024

It’s payback time for Michael Pangilinan

“SA loob ng limang taong pamamalagi ko sa music industry, I guess it’s time for me to give back. Sabi nga, it’s payback time sa mga nagmamahal at sumusuporta sa akin, ‘di ba? Over the years, I truly realized na ito talaga ang mundong gusto kong tahakin—ang pagiging singer/performer. And I’m truly grateful to all of you—to my manager (Nanay Jobert Sucaldito) who has always stood by me since day one – I promise you na hindi ko pababayaan ang karerang ito and I will be a better boy. Thanks too to my audience, sa Michael’Overs na nagtitiyaga sa akin, my producers, my sponsors, members of the media na palaging nandiyan sa tabi ko and to my family—to my mom and dad and siblings – Kuya Sam and Peter, whew! To my son Ezekiel na inspirasyon ko sa bawat minute—one day ay magsasama rin tayo. Mahal na mahal kita anak ko. And of course, to Almighty God na sobrang bait hindi lang sa akin kundi sa ating lahat. Kaya dapat magkita-kita tayo sa Rajah Sulayman Park sa November 26 at magkantahan tayo,” deklara ni Michael Pangilinan.

“Gusto ko ring ipaabot ang taos-pusong pasasalamat kina Mama Laarni Enriquez at Tito Joseph Estrada for allowing me to hold my Free concert sa Rajah Sulayman. Hinding-hindi ko po makalilimutan itong regalo niyo sa akin,” dagdag pa ni Michael.

Si Erap, Si Michael, at ang mga Manilenyo ang title ng free concert na ito in celebration ng 21st birthday ni Michael na gaganapin sa Rajah Sulayman Park, Roxas Boulevard, Malate, Manila, 4:00-7:00 p.m.. Ang nakatutuwa pa nito, marami siyang magiging guests in this three-hour musical event.

Darating sina Vice Ganda, KZ Tandingan, Marion, Garie Concepcion, Hashtag Nikko Seagal Natividad, Kuya Boy Abunda, Kiel Alo, Ezekiel, Kyle Matthew Manalo, Jake Ejercito, Allan K, Boobsie Wonderland, Ate Gay, Atak, Harana, Bugoy Drilon, Jovit Baldevino, Pink Mannequins, Jimmy Bondoc, Duncan Ramos, Ady Siwa, Wowowie Dancers, Richard Parojinog, Stefanie Patana, at President/Mayor Joseph Esrada, hosted by DJ Chacha and Romel Chika.

Mayroon pang big names who pledged to drop by and jam with him pero inaayos pa ang schedules nila. Musical director is Ivan Lee Espinosa with Marnie Jereza and Sam Gaddi as back-up vocals for Michael.

Happy 21st Birthday, MICHAEL!

( ROLDAN CASTRO )

About Roldan Castro

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Mutya Orquia Beaver Magtalas Rico Yan Claudine Barretto

Beaver at Mutya tinaguriang Rico Yan at Claudine ng kanilang henerasyon

ni Allan Sancon UNTI-UNTI na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa showboz industry ang 18 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *