Tuesday , September 27 2022
richard gomez ormoc
richard gomez ormoc

‘Wag ninyong sirain si Richard

SA showbiz, isa sa pinaka-gentleman si Richard Gomez.  One of the best sa akting, no vices, hindi ko pa siya nakitang nanigarilyo,mabait, tahimik, at lahat ng kabutihan give sa kanya ni Lord Jesus. Kaya ‘yung pagkakapanalo niya bilang lider ng Leyte ( Mayor ng Ormoc City ) ay nararapat lamang sa kanya. Maganda ang plano ni Richard na Goma ang favorite nickname, pero dahil isa na siyang pinuno ng siyudad, bigyan natin siya ng kaukulang respeto at tawagin nating Mayor Richard. Hindi pa man natatagalan ang pagkakahalal sa kanya, at nagsisimula pa lang gawin ang mga plano niya, kasama ng mga ka alyansa niya, na puro sa ikagaganda at ikauunlad ng kanilang siyudad at ng kanilang mamamayan.

Ang iba pa sa gusto niyang mangyari, sa mga kababayan, ay maging masagana ang kanilang pagkain, walang magugutom, lahat may trabaho, edukasyon, hospital, klinika, at lahat ng kailangan ng mga kababayan ay hindi na hahanapin sa ibang bansa.

Ganyan ang pangarap ni Mayor Richard kahit noong araw pa na hindi pa siya politiko. Nakita niya ang kahirapan ng buhay kapag sumasama siya sa asawang si Congresswoman Lucy Torrez-Gomez. Naaawa siya ‘pag hindi kumakain ang mga bata, nag aaral pero nakatapak sapagkat walang pambili ng tsinelas or sapatos.  Kaya nangarap si Mayor Richard, kapag siya ang naging lider, kahit punong baranggay lamang, tutulungan niya ang mahihirap lalo na ang mga bata.

Ngayon isa ng halal na Mayor sa Ormoc City, ‘yung gusto niya noon, tutuparin niya ngayon. Artista pa rin siya, hindi niya iiwan ang showbiz dahil ang mga kikitain niya ay makatutulong pa rin sa kanya, sa pagtulong sa mga taong nangangailangan sa Ormoc City.

Slowly, ang mga pangarap ni mayor Richard ay matutupad na, bigyan natin siya ng pagkakataon para sa ikabubuti ng mga taga-Ormoc.

Kaya huwag niyo siyang kainggitan, huwag niyo siyang isabit kay Mayor Espinosa.  Tantanan na ninyo iyang malasadong ginagawa ninyo! Matakot kayo sa Diyos!

 

Ibyang, Tina, at Laarni proud mom sa kani-kanilang anak

PROUD mother si Laarni Enriquez dahil sa anak na si Jake Ejercito na gumagawa ng kanyang pangalan sa larangan ng TV series. Si Jake ay naging Best New Male Actor ng Star Awards for TV, sikat na sikat din siya ngayon dahil sa naging talk of around the showbiz nang lumantad na siya ang real father ni Ellie kay Andi Eigenman.

Magaling na artista, saksakan ng pogi, at may big chance na maging big star si Jake.

Ang isa pang proud mama ay si Sylvia Sanchez, dahil sa kanyang anak na si Arjo Atayde, Best Male Supporting Actor ng Star Awards for TV, na isa sa main star ng Ang Probinsyano  series sa ABS-CBN.

Isa pang proud mama si Tina Monasterio, na ang anak naman ay si Derrick Monasterio, na kilala at big star na rin ngayon dahil sa Tsuperhero sa GMA7 bukod sa pag-aartista, aba, magaling din kumanta ng Broadway songs si Derrick.

Sina Laarni at Tina, ilan lang sila sa mga sexy star na sikat na sikat noon, pero mas pinili nila ang magka-pamilya at mag-anak. Kahit ngayon, pwede pa rin silang mag-artista dahil magaganda pa rin sila at mga sexy.

Siyempre iba naman ang nanay ni Arjo, si Sylvia na mayaman na, dahil dati ng may sinasabi ang negosyanteng asawang si Art Atayde.

At nang magbalik limelight si Sylvia sa telebisyon sa ABS-CBN pagkaraan ng ilang buwang appearance, ginawa siyang big star, solo as mother na may mga anak na ikinahihiya ang pagkakaroon ng sakit na Alzheirmers.

NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi

About Letty Celi

Check Also

Tanya emosyonal — Bumabawi si Vhong sa akin

I-FLEXni Jun Nardo MALIGAYA nang nagsasama ang aktor na si Vhong Navarro at asawang si Tanya Bautista-Navarro nang muling …

Blind Item, excited man

Male starlet marami ang natatanso kahit buking ang pagiging beki

ni Ed de Leon “BAKLA naman po siya talaga, pero marami ngang natanso dahil pogi …

Vhong Navarro Deniece Cornejo

Vhong aapela hanggang SC; Deniece magpapakatatag

HATAWANni Ed de Leon HANGGANG Korte Suprema ay nakahandang umapela ang legal team ni Vhong Navarro kung …

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Leave a Reply