Koreano at intsik na tulak ibinangketa!? (Attn: CPNP General Ronald “Bato” Dela Rosa)
Sa halagang dalawang milyon piso kapalit ng kalayaan ng isang Koreano at Tsinoy na sinabing pawang drug lord sa Ermita, Maynila, pinakawalan ng mga umarestong pulis-Maynila, kamakalawa ng gabi.
Wattafak!?
Ayon sa isang bulabog boy natin, isang call-a-friend lang daw ng isang opisyal sa Manila City Hall sa mga pulis na nakatalaga sa PACO Police Community Precinct sa ilalim ng Ermita police station (PS5) ay agad pinakawalan ang dalawang dayuhan.
Nadakip ang dalawa sa isang buy bust operation sa Ermita, Maynila ng isang ex-SP02 “WD” at “PO2 G” at “PO2 C” matapos maghatag ng dalawang ‘mansanas.’
Umaabot umano sa tatlong kilong shabu ang nakompiska ng mga pulis at sa loob ng dalawang oras ay inalpasan agad ang mga suspek sa Paco PCP?!
Sonabagan!!!
Pumutok ang nasabing pagbangketa sa dalawang dayuhang tulak nang solohin ng Ninja cops ang perang nakulimbat sa dalawang drug pusher.
MPD district director SSUPT. Jigz Coronel, kayo na po ang bahalang mag-imbestiga sa impormasyon na ito!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
