Hulidap na MMDA sa Katipunan Ave., at C.P. Garcia Ave
Hindi lang po iisang tao ang tumawag ng ating pansin sa mga kagawad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakatalaga riyan sa Katipunan at C.P. Garcia avenues.
May kakaiba kasing raket ang mga MMDA riyan.
Nilagyan kasi ng concrete barrier ang left side ng Katipunan Ave., northbound.
Sa madaling sabi, hinati ang Katipunan Ave., ng concrete barrier na ‘yun sa dalawang bahagi. ‘Yung right side na binubuo ng two lanes ay para sa deretso patungong Commonwealth Ave., at para sa mga kakaliwa sa C.P. Garcia.
Kung patungo kayo sa C.P. Garcia, tiyak na mabibitag kayo ng napakaluwag na two lanes sa kaliwang bahagi.
Pero pagdating sa dulo, iyong two lanes na ‘yun ay para sa u-turn pala at hindi para sa pagkaliwa sa C.P. Garcia.
Hindi ninyo mapapansin, dahil ang signage na for u-turn slot ay napakaliit at nandoon na mismo sa bubuweltahan.
Kung akala ninyong walang nakapansin na nagkamali kayo, sorry, kasi biglang may bubulaga sa inyo MMDA sa C.P. Garcia para sitahin at hulihin kayo.
Pero hindi talaga panghuhuli ang layunin kundi makasalakab ng pagkakaperahan.
P300, P500 hanggang P1,000 ang nakikikil ng MMDA diyan sa C.P. Garcia sa bawat nagkakamaling motorista.
Take note, nagtatago ang MMDA enforcers.
Kaya sa mga motorista, kaiingat po kayo dahil tiyak na masasalakab kayo lalo na’t bago pa lang kayong nagdaraan sa nasabing area.
Paging MMDA Chair Thomas Orbos!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
