Sunday , April 28 2024

Pagbulaga ng boobs ni Lovi, inagapan ni Derek

WALA nang mahihiling pa si Derek Ramsay sa buhay niya dahil smooth sailing ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend at okay ang pamilya kasama na ang mga pamangkin maliban sa anak na hindi niya nakakapiling dahil nasa ibang bansa ito.

Sabi nga ng aktor, sana muli niyang makapiling ang anak ngayong Disyembre dahil noong nakaraang taon (2015) ay magkasama sila ni Austin.

Kuwento ni Derek,  ”You know how close I am with the family, right? My family is the most important thing, he’s part of the family.”

Hangga’t maaari ay ayaw sanang magsalita ni Derek dahil baka iba na naman ang interpretasyon ng ina ng anak niya.

“You know what? Whatever I can say, she can perceive it another way and she might think I’m attacking her.

“So, for my son’s sake, I leave that alone. Ako na lang naglulunok ng mga bagay na mahirap lunukin and I stand strong na lang for my son, because I believe he wants to be with me and one day he will come out and he’ll come to me.

“Nandiyan naman ‘yung suporta ko. I’m giving him the best edu­cation, he’s financially stable,”paliwanag mabuti ng aktor.

May mga hindi pa rin daw nasusunod sa naging usapan nina Derek at ina ng anak nang magharap sila sa korte.

“As expected, again I don’t wanna say anything because she might come back with the rampage and you know,” sabi ni Derek.

“He loves being with me. He tells me he loves me, he calls me dad, we extended his stay, and when he goes back, parang we have to start from zero again. Iba na ‘yung mga sinasabi sa akin.

“It’s disappointing and it hurts, but it is what it is and I have to deal with it. So, I just want to be positive,” pahayag ng aktor.

At dahil balitang-balita ngayon ang tungkol sa mga taga-showbiz na sangkot sa droga ay napapailing si Derek at sana raw ay matapos na.

“I’m anti-drugs, you know that. I’ve always been an anti-drug. My mom is a drug tester. So I’m against drugs. So for me, dapat wala kayong pinipili, whether artista ka, normal kang tao, mayaman kang businessman, kung gumagamit ka ng drugs or nagtutulak ka ng drugs, dapat you should be stopped.

“Na ‘yung users, ibang ano naman ‘yan. Dapat these people should be given a chance to go through rehab and change. And pa­ngit din naman kung dating addict and na-realize na niya ‘yung pagkakamali niya sa buhay and he turned his life around which is very difficult. Kaya nga it’s an addiction, it’s so hard to turn it around.

“Like you’re gonna even dig that up, and then, exploit it again to the public na ‘addict ‘to’ or ‘dating addict’, baka magka-relapse ‘yung taong ‘yun, so kawawa naman. So, they should be very careful.

“But with the war against drugs, I’m for it. But again, there’s still due process,” say ng aktor.

Bagamat suportado ni Derek ang kampanya laban sa droga ng Duterte Administration ay sana bago raw ilabas ang mga pangalan ng showbiz personalities sa publiko ay siguraduhin muna.

“I’m not going against my fellow celebrities but we’re not gods here, we’re not better than everybody else. We’re celebrities, that’s our line of work, that doesn’t make us, you know, President of the Philippines when you’re untouchable, ‘di ba?”

”Kasi, masisira mo ang buhay ng tao. So if it’s just hearsay, I don’t think you should ano, but if you’re 100% sure na this person was giving the chance to stop what they’re doing, pero patuloy pa rin, I think, yes, you should expose that out to the public because as a celebrity, niloloko mo ‘yung mga taong naniniwala sa ‘yo,” paliwanag pa ng aktor.

Samantala, tinutukso ang aktor sa leading lady niyang si Lovi Poe sa The Escort dahil sobrang bagay sila na marami nga ang nagsabi na kung walang girlfriend si Derek ay puwede niyang ligawan ang dalaga na single naman ngayon.

Natatawa si Derek sa narinig dahil hindi lang pala entertainment press ang nagsabi sa kanya.

“Marami na nagsasabi, sobra. Actually, noong isang araw, we were out sa The Red Charity Gala, and it was an auction for donations sa Red Cross, we decided to go together, and everybody there thought na kami na, na we were in a relationship. People are telling us, ‘dapat maging kayo na’, ‘bagay na bagay kayo’.

“When I found out that Lovi was going to be my partner, I was very, very excited. Bumalik ‘yung excitement ko na gumawa ng pelikula because I love the way she looks, I love ‘yung kulay ng skin niya. Yes, I’m going to have a leading lady na kakulay ko ng kaunti.

“Sobrang dami nagsasabi that we look good together, and we have good chemistry and again, that’s a great compliment to us. Kasi that’s what we’re trying to portray on screen,”  masayang kuwento ng aktor.

Speaking of Lovi ay grabe ang papuri ni Derek sa dalaga dahil wala raw inarte ito habang ginagawa nila ang love scene at hindi siya nahirapang mag-effort.

“With Lovi, she just looks into your eyes and just listens. Talagang nakikinig lang siya talaga sa ‘yo. At first, nakadalawang protection (sa chest) pa siya, then hindi talaga maano ‘yung daya, nakikita.

“So, I talked to her, ‘okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe’. To the point na halos talagang wala na. And she was comfortable, everything was okay.

“Talagang I protected para hindi siya mabosohan.

“Mahirap kasi na umaarte ka, iniisip mo pa na baka lumabas ‘yun. So, I sat her down, sabi ko, ‘look, I guarantee you, nothing will happen to you,” pagkukuwento ng aktor.

Tinakpan daw ni Derek ang boobs ni Lovi sa pamamagitan ng pagyakap niya ng mahigpit.

“You just have to keep her chest pressed to yours especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and puwede mo nang iarte ‘yun, kunwari nanggigigil ka,” kuwento ng aktor.

At talagang super-sexy daw si Lovi maski anong anggulo.

“Not once that we had to say, ‘opps cut, palitan natin ang angle para mas payat ka tingnan’. ‘Yung lighting, hindi na pinalitan. Every angle, she looked good.

“So, you know, walang daya. I’m not saying the others, nandaya, pero talagang sa kanya, what you see on  the magazines, ganoon talaga,” nakangiting sabi ni Derek.

Sa Nobyembre 2 na mapapanood ang The Escort at magkakaroon ng premiere night sa Oktubre 27 mula sa Regal Films at idinirehe naman ni Enzo Williams.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *