Manyakol na Immigration ACO nabigyan pa ng magandang position! (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

Sari-saring feedbacks ang ating natanggap matapos ilathala ang reklamo ng isang Immigration Officer (IO) tungkol sa alleged sexual harrassment na kanyang naranasan sa isang manyakol na Immigration Alien Control Officer (ACO) noon sa isang field office riyan sa Southern Luzon.

Noon pa raw ay naikukuwento na ng nasabing IO sa kanyang batchmates ang mga panggigipit sa kanya ni manyakol โ€˜este ng ACO para lang mapilitan makipag-date sa kanya.

Tigas-tanggi raw ang kaawa-awang IO dahil alam naman ng kanyang boss na siya ay isang pamilyadong empleyada.

Pero tuloy pa rin daw ang indecent proposals ng damuhong ACO mairaos lang ang kanyang makamundong pagnanasa sa IO.

Wattafak?!

Sa ngayon daw ay nalipat at nabiyayaan pa sa isang subport diyan sa Central Luzon ang nasabing bogling ACO kasama ang kanyang bagong โ€œapple of the eyeโ€ na isa rin contractual employee ng Immigration?!

Grabeh na โ€˜to!

Wala bang background check na ginagawa si Immigration Commissioner Jaime Morente sa mga taong binibigyan niya ng juicy position?!

I guess Commissioner Morente should try to investigate this matter dahil balita na may ilang members daw ng โ€œGabrielaโ€ at Concerned Citizens for Women na gustong pakialaman na ang nasabing kasong ito!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN
ni Jerry Yap