Derrick, βdi na basta-basta leading man
FINALLY, after ng ilang taon sa showbiz, ngayon ay bidang-bida na si Derrick Monasterio. Siya ang nasa title role ng bagong action comedy series ng GMA 7 na Tsuper Hero.
Hindi na siya basta leading man lang ng bidang babae gaya ng ginampanan niya noon sa mga seryeng ginawa niya.
Hindi dumaan sa auditon si Derrick para sa role niya sa action comedy series. Personal choice siya ng Kapuso Network para rito. Kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang mother studio na pinagkatiwalaan siya na bigyan ng sariling show.
βNatuwa ako noong sinabi sa akin na magli-lead ako sa isang sitcom. Sobrang sarap ng feeling at the same time nakaka-pressure kasi sa βyo ibi-blame kung hindi magiging successful ang show. Pero good thing is, my co-stars are very supportive, professional and excellent when it comes to our craft. And siyempre, βyung directors and writers, hands-on din,β sabi ni Derrick.
Si Bea Binene ang leading lady ni Derrick. Natutuwa ang aktor na muling nakatrabaho si Bea.
βSi Bea kasi close na kami, gamay na namin yung isaβt isa. Kaya natutuwa ako na magkatrabaho kami ulit.β
MA at PA – Rommel Placente
