Walang kabuhay-buhay ang duruan at murahan nina Barbers at Pichay

LOUSY!

‘Yan ang kantiyaw ng mga naunsiyami sa sapakan ng mga kongresman na sina Surigao del Norte Rep. Ace Barbers at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr.

Mas marami pa ang nagulat nang malaman na kongresman pala ulit si Pichay.

Buong akala nila ay hinatulan na ng Sandiganbayan sa kasong paggamit ng pondo ng LWUA sa pagbili ng isang bankrupt na banko na pag-aari naman ng mga Gatchalian.

Pero maling akala pala dahil nakita nga sa vi-deo post ni Ms. Tina Panganiban Perez sa Facebook, na alive and kicking pa pala sa Kamara si Pichay.

Grabe!

Ang daming nag-share (4,760) at 283K ang nag-likes bukod pa sa hindi matapos-tapos na comments. Pero ang ikinaunsiyami nang lahat, walang naganap na suntukan!

Kumbaga, sisiw sa upakan ng mga parliamentarian sa Europe, sa Japan, sa Taiwan at sa Korea.

Very lousy daw talaga!

Ang isa pang nakapagtataka rito, kahit si Rep. Ace Barbers ang nanugod parang mas marami ang kumakampi at humanga sa kanya.

Ala-David vs Goliath kasi ang eksena.

Kaya next time daw po, dalawang ‘matatapang’ na kongresman, ituloy ninyo sa boksing ang argumento ninyo…

Baka naaliw pa ninyo ang inyong audience.

Better luck next time!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN
ni Jerry Yap