Anti-Money Laundering Council AMLC

AMLC natutulog sa pansitan sa nagaganap na drug trade sa Filipinas

NAKATULOG ba o talagang nganga lang ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa nabulgar na illegal drug trade sa loob ng Bilibid?!

Nagtataka kasi tayo kung bakit walang kibo ang AMLC gayong pinag-uusapan na milyon-mil-yong salapi ang pumapasok sa kaban o sa banko ni dating justice secretary Leila De Lima.

Hindi man nakapangalan iyon kay De Lima, hindi ba nag-uulat ang mga banko sa AMLC kung mayroong nagdedeposito nang milyon-milyon sa isang bank account?!

Hindi man lang ba nagre-report ang mga banko sa AMLC sa mga ganitong milyones na transaksiyon sa loob ng Bilibid?!

Aba, ano ang silbi ng AMLC kung hindi naman regular na nag-uulat sa kanila ang mga banko?!

AMLC dapat ang unang nakapag-monitor ng malalaking halaga na ‘yan pero nauna pang magbuyangyang sa publiko si Jaybee Sebastian sa nagaganap na illegal drug trade sa Bilibid.

Sandamakmak na bank accounts na gina-gamit ng drug lords sa Bilibid para sa kalakalan ng shabu.

E ano pa pala ang papel ng AMLC kung hindi sila nakatutulong sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa droga?

Busisiin nga ‘yan AMLC!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN
ni Jerry Yap