Thursday , February 29 2024

Ogie Alcasid mas binigyan ng importansya ni Sarah G hindi si Vehnee Saturno (Makatarungan ba ito???)

SAANG lupalop kaya ng mundo naroroon si Sarah Geronimo, during the tribute of ASAP for hitmaker Vehnne Saturno na nangyari three Sundays ago?

Kung ang rason ni Sarah na kaya wala siya sa tribute ng taong nagbigay sa kanya ng kauna-unahan niyang hit song na “Forever’s Not Enough” ay nakipag-surfing siya sa boyfriend na si Matteo Guidicelli sa hometown ng actor sa Cebu.

Isa lang ang sabihin nito, hindi importante sa kanya si Saturno na during her struggling days in showbiz ay nakatulong nang malaki sa kanyang singing career.

Kasama kasi ang Forever’s Not Enough sa line-up ng mga sumikat na komposisyon ni Vehnee na kinanta ng iba’t ibang artist sa ASAP at no appearance nga si Sarah G.

Samantala sa latest tribute ng ASAP sa singer-composer na si Ogie Alcasid ay naroon ang nagkaka-dementia na yatang singer at kinanta pa ang ginawang song sa kanya ni Ogie.

Honestly, hindi kami aware sa nasabing kanta at kung sumikat ba ito.

Well I’m not close to Mr. Saturno, sa totoo lang tayo gyud!

Sylvia naging emosyonal sa pakikipag-usap sa isang Alzheimer’s patient…

CAST NG “THE GREATEST LOVE” ISINULONG ANG ADBOKASIYA SA ALZHEIMER’S DISEASE

Nakiisa ang Kapamilya afternoon series na “The Greatest Love” sa pagsusulong ng adbokasiya palaganapin ang kaalaman tungkol sa karamdaman na Alzheimer’s Disease sa ginanap na “Remembering Our Greatest Love: An Alzheimer’s Disease Awareness Forum” kamakailan.

Dumalo para magpakita ng suporta sa Alzheimer’s Diseases Awareness campaign ang mga bida ng serye na sina Sylvia Sanchez, Dimples Romana, Matt Evans, Aaron Villaflor, Ruby Ruiz, at Alex Medina pati na ang production staff at creative team nito.

Nagbahagi ng impormasyon ang neurologist na si Dr. Darwin Dasig, ang presidente ng Dementia Society of the Philippines (DSP) tungkol sa Alzheimer’s na makatutulong upang mas maintindihan pa ang sakit.

Inilunsad ng programa ang kampanya bago matapos ang Setyembre, ang Alzheimer’s Disease Awareness Month upang ibahagi ang karanasan ng mga pamilyang naaapektohan ng naturang sakit.

Sa seryeng “The Greatest Love” unti-unting mawawala ang mga alaala ni Gloria (Sylvia) matapos siyang ma-diagnose ng mapaminsalang sakit.

Samantala, naging emosyonal si Sylvia nang ikuwento niya ang kanyang karanasan nang makipag-usap siya sa isang Alzheimer’s patient bilang paghahanda sa pagganap sa kanyang karakter.

“Ayaw kong mangyari sa akin iyon, nakakatakot. Sana mayroon din taong ganoon ako kamahal na aalagaan ako,” sabi ng batikang aktres.

Nagbahagi ang King of Talk na si Boy Abunda sa pamamagitan ng isang VTR ng kanyang mga karanasan sa pagkakaroon ng isang inang may dementia. Naging emosyonal ang mga dumalo sa forum nang magsalita ang ABS-CBN employee tungkol sa mga pagsubok na hinarap niya at ng inang may Alzheimer’s disease.

Sa pagtatapos ng programa, nagpasalamat si Dr. Dasig sa buong produksiyon ng serye sa makatotohanang pagpapakita sa mga manonood ng karanasan ng mga taong may Alzheimer’s at kanilang mga pamilya.

Samantala, dumarami ang tumututok sa programa ngayong unti-unti nang nabubunyag ang mga sikreto ni Gloria mula sa nakaraan, partikular ang pagkakaroon ni Lizelle (Andi Eigenmann) ng ibang ama.

Ayon sa datos mula Kantar Media, nakuha nito ang all-time high national TV rating nitong 16.6% laban sa katapat na (14%) noong Setyembre 29. Huwag palampasin ang hindi malilimutang kuwento tungkol sa pambihirang pagmamahal ng ina para sa kanyang mga anak sa “The Greatest Love” tuwing hapon pagkatapos ng “Doble Kara” sa ABS-CBN or sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin ang past episodes ng programa sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subs- cribers. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/ thegreatestlovetv.

Basket-Ballroom bagong hamon ngayong linggo

ANTOINETTE TAUS MAHUSAY SA BOKSING AT KANTAHAN ITINANGHAL NA GRAND WINNER SA CHALLENGE ACCEPTED

Si Antoinette Taus, ang naging choice ng 37 Judges na kinabibilangan ni Patricia Tumulak noong Sabado sa Eat Bulaga na maging grand winner sa BoxSing Challenge, ang hamon last week sa Challenge Accepted.

Tinalo ni Antoinette sina Ina Raymundo, Maui Taylor, EB Babe Lyka at Jef Gaitan at very deserving naman talaga ang dating Kapuso actress para manalo dahil consistent ang pagbirit niya habang ginagawa ang lahat ng challenge sa boxing magmula round 1 hanggang round 3.

Dagdag factor sa masayang segment ang partisipasyon ni Rogelia o Sinon Loresca na napanood noon sa kalyeserye ng AlDub at mapapanood rin araw-araw ngayon sa Calle Siete.

This week ay BasketBallroom naman ang challenge na haharapin ng mga sasaling cager. Habang naglalaro ng basketball ay sasayaw ng ballroom. Nagbigay noong araw na iyon ng sampol ang PBA Player na si Gary “El Granada” David ng Team San Miguel Beerman.

VONGGANG CHIKA!- Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maricar dela Fuente

Maricar dela Fuente happy sa takbo ng career, wish maging active ulit sa showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA si Maricar dela Fuente sa mga dumarating sa kanyang …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Mutya Orquia Beaver Magtalas Rico Yan Claudine Barretto

Beaver at Mutya tinaguriang Rico Yan at Claudine ng kanilang henerasyon

ni Allan Sancon UNTI-UNTI na talagang gumagawa ng sariling pangalan sa showboz industry ang 18 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *