Saturday , July 27 2024
James Reid

James Reid, wala sa hitsura na gumagamit ng droga

ISANG showbiz outsider ang nagtanong sa amin kung totoo raw bang drug user din si James Reid? Ewan kung bakit lumulutang din ngayon ang pangalan ng isa sa mga ipinagmamalaking bituin ng ABS-CBN.

Wala man kaming maipakitang katibayan ay pumupusta kami: wala sa hitsura ni James ang gumagamit, much less gumon sa ipinagbabawal na gamot.

Very bubbly at malinis si James sa kanyang katawan. Higit pa rito ay ang kawalan ng palatandaan na wala siya sa huwisyo. Ito ba ang mukhang adik?

Hindi man namin kilala si James ng lubos, we don’t think he’s out to destroy his career and his life sa ganitong bisyo, na alam naman niya ang kauuwian.

Even submitting himself to a drug test ay mukhang hindi na kailangan.  Kung alam naman kasi ni James sa kanyang sarili na ni pagtikim ng illegal drugs ay hindi niya sinubukan, then why undergo such a test?

To top it all, naniniwala kami na hindi isang kunsintidor ang TV network na kinabibilangan ni James. Hindi nga ba’t pinasimulan ng Star Magic ang pagpapa-test sa kanilang mga kontratadong artista bilang pagtugon sa panawagan ng kasalukyang administrasyon?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *