Jodi at Jolo, nangiti sa kantiyaw na pakasal na sila

NGITI lang ang isinukli ng magkasintahang Jolo Revilla at Jodi Sta Maria nang kantiyawan sila ni Senator Jinggoy Estrada na pakasal na.

Ito’y naganap sa 50th birthday celebration kama­kailan ni Senator Bong Revilla sa Camp Crame na dumalo si Jodi kasama si Jolo.

Kantiyaw ni Senator Jinggoy, “Magpakasal na kayo! Ano bang hinihintay n’yo? Hindi na kayo mga bata. Ang tatanda n’yo na! Magpa­kasal na kayo!” Na ikinatuwa naman ni Sen. Bong Revilla na botong boto kay Jodi.

MATABIL – John Fontanilla