Toni, nahirapan sa pag-push kay Baby Seve

HINDI naman daw nahirapan sa pagle-labor si Toni Gonzaga. Ito ang inilahad ng kanyang inang si Mommy Pinty sa phone interview ng ABS-CBN News, ukol sa panganganak ng aktres noong Biyernes ng umaga.

“Super hindi siya nahirapan sa contractions. It’s only this morning siya nag-start mag-push, so roon siya nahirapan,” kuwento ng ina ni Toni.

Hindi naman itinago ni Mommy Pinty ang excitement sa paglabas ng kanilang unang apong si Severiano Elliott o Baby Seve.  ”First apo on both sides, kaya nakatutuwa.

Nasa maayos nang kondisyon si Toni pagkatapos magluwal via normal delivery.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio