Thursday , December 8 2022

Nakawan sa nadakip na 154 Chinese ng immigration sa Clark (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

Dapat paimbestigahan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Bong Morente at OIC for BI-Intel Charles Calima ang hindi pa nabubunyag na anomalya sa nakaraang operation sa Clark Pampanga na nakasakote ng 154 Chinese nationals na sangkot sa online gaming.

Ano ito?!

Ano pa kundi ang nakawan ng LAPTOPS at CELLPHONES na nakuha sa mga tsekwang nahuli sa nasabing operation!

Wattafak?!

Sinasabing sandamakmak na mga bagong laptops at mobile phones ang naeskoba ‘este kinom-piska noong kasagsagan ng operation ng BI Intel group sa Clark.

Inipon at ini-account to be used as additional evidence kuno?!

Nagbigay pa raw ng babala si T/A for intelligence Ed Chan na huwag na huwag gagalawin ang ano mang makukuhang ebidensiya sa site para  hindi mabahiran ng anomalya ang nasa-bing operation.

Pero iba naman ang nangyari. Mukhang natakawan daw ang karamihan sa mga hao-shiao ‘este’ confidential agents na kasama sa operation kaya nang malingat si Col. Chan ay nagkanya-kanyang ‘harbat’ at ‘nakaw’ na parang mga gutom na timawa?!

Pakengsyet!!!

Ang mission order ay para manghuli ng illegal alien at hindi para kumuha ng gamit ng mga tao!

Identified umano ang mga pangalang, BRANZUELA, FABROS, FELINA, AGUSTIN at iba pa sa nasabing dugasan blues?!

Ang iba sa kanila ay nagawa pang mangantiyaw sa mga organic na Intel Officers at Agents dahil mahinang klase raw hindi gaya nila na malalakas ang loob!

Malalakas ang loob o makakapal ang mukha?!

Pakengsyet!!!

Ang mga nasabing pangalan ay dati umanong job orders as in J.O. sa Bureau na nagawang maging confidential agents noong panahon ni former BI-Commissioner Ronaldo Geron.

Commissioner Morente and General Charles Calima, I guess there should be an urgent investigation concerning this incident!

Papayag po ba kayo na magkaroon ng mga itlog na bugok ang BI sa katauhan ng mga na-sabing hao-shiao o CA?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply