Saturday , July 27 2024
the who

Cable channel boss sarado ang utak at palamura sa ama?

THE WHO ang isang Bossing ng cable channel na nasa mundo rin ng palakasan ang may kandado na yata ang utak dahil ang gusto niya, siya na lang ang magaling at bida sa eksena.

Ngak ngak ngak ngak ngak!

Ayon sa ating Hunyango, ‘wag na ‘wag kang magkakamali kay boss tsip na magbigay nang suhestiyon dahil tiyak masisibak ka agad-agad. Ayaw na ayaw niya kasi iyon para bang naaapakan ang kanyang ego.

Pak! Ganern?!

Bilang patunay, isang writer niya ang kanyang tsinugi  sa dahilang nagbigay lang siya ng payo para sa ikagaganda sana ng kompanya kumbaga nagmamalasakit lang.

Paano ba naman kasi si writer ‘di na napapasahod dahil sa dami raw ng utang ni Boss among tunay pero oks lang naman sa kanya, katunayan nga iprinisinta pa niya ang kanyang sasakyan nang libre para magamit sa kanilang operation.

Kasabay nito, nagbigay na rin siya ng suhestiyon para makatipid sila sa gastusin upang maka-survive ang kanilang kompanya pero trahedya ang inabot ni writer dahil sinipa siya nang basta-basta sa trabaho!

Anak ng kulugo!

Nagmalasakit na nga lang e napahamak pa!

Huwag ka kasi ngengelam!

Wahahahahahaha!

Baka naman ang gusto niya siya na lang lahat?

Siya na ang segment producer, writer, cameraman, driver etc. etc.

In short one man gang!

Bukod doon, may ugali pa raw na nakaririmarim si amo dahil kung mura-murahin ang kanyang ama gano’n gano’n na lang!

Yes gano’n gano’n na lang!

As in bastos at walang modo sa magulang.

Santisima Trinidad!

Santisima Trinidad!

Kaya naman ‘di nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang trato nniya sa kanyang mga empleyado na parang mga robot lang daw kung magtrabho.

‘Yon ang  mamingat!

Hak hak  hak hak hak!

Kilatisin kung sino si amo na kapag nasa harap ng camera akala mo pang-wholesome ‘yon pala pang whole-sama!

Kaboom!

THE WHO? SCANDAL – ni Jethro Sinocruz

About Jethro Sinocruz

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *