Thursday , April 25 2024

Shawie, ‘di nagpabayad sa pagso-show sa kulungan

MISMONG si Senator Kiko Pangilinan ang nagbigay-linaw sa pagkabanggit ng pangalan ni Sharon Cuneta bilang isa sa celebrities na nag-perform sa loob ng New Bilibid Prison kasama sina Freddie Aguilar, Ethel Booba, Mocha Girls at iba pa kaya natawag ang national penitentiary na Little Las Vegas.

Pinangalanan ang Megastar ni Rodolfo Magleo na isa sa mga witness ni Justice Secretary Vitaliano Aguire II na humarap sa pandinig ng House of Representatives noong Lunes, Septemeber 19 ukol sa paglaganap ng droga sa loob ng Bilibid Prison.

Inamin ng senador na minsan lang nag-perform ang kanyang asawa sa loob ng maximun security compound sa Muntilupa sabay ang paglilinaw na bahagi ng TV show ng aktres sa TV5, ang  Sharon, Kasama Mo Kapatidna nagtatampok ng buhay ng mga bilanggo. May kaugnayan din ito sa outreach program ng RockEd Philippines na naganap noong July 12, 2010.

Base naman sa post ng RockEd founder na si Gang Badong sa Twitter account nito, sinabi niyang hindi niya binayaran ang Megastar sa ginawang pagkanta.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

About Alex Datu

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *