Monday , December 5 2022

Joem Bascon, bigay na bigay sa romansahan kay Nathalie Hart

ISA si Joem Bascon sa tatlong barako na nagkaroon ng maiinit na love scenes sa tisay na si Nathalie Hart sa pelikulang Siphayo. Garantisadong mag-iinit ang mga kalalakihan sa pelikulang ito na pinagbibidahan ni Nathalie. Super bold at daring ang role ni Nathalie sa naturang pelikulang handog ng BG Productions International ng businesswoman na si Ms. Baby Go.

Mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan, maraming masisilip na frontal scene rito si Nathalie. Actually, bukod kay Joem ay may love scenes si Nathalie kina Allan Paule at Luis Alandy na mag-aama ang role sa Siphayo. Kumbaga, tinuhog niya ang mag-aama!

Ayon kay Nathalie, pinakamatindi ang love scene niya with Joem. Naikuwento nga nina Joem at Natahlie na nagkatusok-tusok sa sila sa mga talahib sa love scene nila rito sa maisan.

Paano ide-describe ni Joem ang love scene nila ni Nathalie? “Daring siya dahil ipinapakita namin iyong reality na may nangyayari talagang ganito sa mga magkakapatid, mag-asawa, magkarelasyon. Father ko kasi si Allan at girlfriend ko si Nathalie na nagkaagawan, ganoon.

“Siguro kung makikita nyo yung eksena, it’s very sensual, very passionate talaga. Kaya masabi mo na may plaster kaya sila? Or may mga posisyon ba na makikitaan sila or hihintayin mo ba na may makikita or masisilip sa kanila sa eksena?

“Kasi, ibinigay na talaga namin iyong love scene na iyon, e. Kasi, pawisan na talaga kami, bilad kami sa araw kaya sabi ni Nathalie na maasim na raw ako,” natatawang saad ni Joem.

“Parang sinibasib ko si Nathalie sa love scene namin kasi ganoon katindi ang nararamdaman ko sa kanya. Pero ang ginawa naman namin ay trabaho lang,

“Inalalayan ko si Nathalie rito at bago ginawa ang love scene ay nag-usap muna kami. Importante talaga na mag-usap kami dahil baka kung ano ang mahawakan ko, kung ano ang maipasok mo na nakakabastos na, kaya importante talaga ‘yun.”

Ang Siphayo ay nabigyan ng MTRCB ng R-16 ratings without cuts. Kasama rin sa pelikula sina Isabel Lopez at Elora Espano. Sa October 3 ang premiere night nito sa SM Megamall at sa October 5 ang showing sa selected theaters nationwide.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Leave a Reply