Media kakampi na si Presidente Duterte
Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang masusugid na tagasuporta na huwag gipitin, takutin, bantaan o i-bully ang media.
Lagi kasing nangyayari βyan sa social media.
Katunayan madalas na nagkakapalitan ng maaanghang na salita ang ilang miyembro ng media at iyong mga binansagan nilang Dutertards (excuse me po).
Ang ipinagtataka lang nga natin dito, bakit kailangan magkainitan ang magkabilang panig?!
Kung parehong sa kapakanan ng bansa ang layunin ng isaβt isa bakit kailangan magbangayan sa social media?
Anyway, umaasa tayo na maglulubay kung hindi man tuluyang mawala ang ganyang pangyayari sa social media.
Huwag po nating hayaang pasukin tayo ng mga grupo o puwersang ang intensiyon ay wasakin ang pagmamalasakit ng mga sinserong tao.
Let us unite against illegal drugs and other forms of criminality.
βYun lang po.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
