Illegal parking lilinisin daw ni MTPB Chief Dennis Alcoreza?
Linisin ang illegal parking na nagpapasikip sa daloy ng mga sasakyan.
Ipinagmamalaki ni MTPB chief Dennis Alcoreza na nilinis na nila ang Quiapo, Sta. Cruz, Avenida, Blumentritt at iba pang lugar na talamak sa masikip na trapiko.
Ang tanong: bakit hanggang ngayon may illegal terminal pa rin sa Plaza Lawton sa Ermita, Maynila?
Hindi ba nakikita ni MTPB chief Alcoreza ang illegal terminal na βyan?
O ayaw lang niyang tingnan?
βYan ba ang dahilan kung bakit laging bumibisita sa opisina ni Alcoreza ang reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?
Gaano kaya kadalas ang mga minsang pagbisita ng reyna ng illegal terminal sa Plaza Lawton?!
βYan daw, mga minsang pagbisita na βyan ay naghahatid ng ngiti at pamimilog ng umiikot-ikot na mata ni MTPB chief?!
Parang, boteng umiilaw daw ang mga mata ni MTPB chief kapag dinadalaw ng reyna ng illegal terminal?!
Magkano βeste ano kaya ang dahilan?!
Sino kaya ang sasagot?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
