Thursday , December 8 2022

MarNella, balik-tambalan via Mano Po 7

SOBRANG saya ng solid supporters nina Marlo Mortel at Janella Salvador dahil balik-tambalan ang kanilang mga idolo via Mano Po 7 mula sa Regal Entertainment na possible entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Noong ipareha si Janella kay Elmo Magalona sa Born For You, sobrang nalungkot ang Marnella (tawag sa grupo ng mga tagahanga nina Marlo at Janella) dahil akala nila ay tuluyan nang mabubuwag ang loveteam ng dalawa.

Salamat na nga lang kay mother Lily Monteverde at naisipan nito na isama sa pelikula sina Janella at Marlo. Siguro ang dahilan ay naging blockbuster ang unang pelikula na ginawa nina Marlo at Janella sa Regal, ‘yung Haunted Mansion na naging entry sa 2016 Metro Manila Film Festvial.

Naniniwala si Mother Lily na makatutulong ang dalawa para mas panoorin ang Mano Po. In fairness naman kina Marlo at Janella ay marami na talaga silang fans. At hindi pa rin bumitaw ang mga fan nila sa pagsuporta sa kanila kahit na nga ipinareha na si Janella kay Elmo.

Well, sana ay magbalik-tambalan na rin sa serye sina Marlo at Janella, ‘di ba?

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply