Barcelona, naka-P130-M na sa loob ng 5 araw

092016-kathniel

CERTIFIED box office hit na ang Barcelona: A Love Untold nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil kumita na ito ng P130-M sa loob lamang ng limang araw simula nang ito’y i-release.

Ang balitang ito’y inihayag ni Star Cinema’s advertising and promotions manager, Mico Del Rosario sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kahapon.

Noong Miyerkoles, agad itong kumita ng P23-M sa pagbubukas sa mga sinehan.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio