Monday , December 5 2022

Pulis patay sa Makati road crash

PATAY ang isang bagitong pulis sa naganap aksidente sa motorsiklo sa Magallanes Flyover sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si PO1 Michael Jordan Tumbaga.

Sa report ng Makati Police, naganap ang insidente bandang 2:00 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa bus driver na si Hendry Rodriguez, napansin niyang pagewang-gewang ang motorsiklo ng biktimang pulis sa Magallanes Flyover at bigla niyang naramdaman na bumangga ang bus sa isang hump. Pagkaraan ay nakita niyang pinapara siya ng mga tao.

Paniwala ng driver, tumilapon ang biktimang pulis na si Tumbaga sa minamaneho niyang bus makaraan bumangga ang motorsiklo sa isang bagay sa daan.

At pagkaraan aniya ay nagulungan niya ang motorsiklo ng biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver na si Rodriguez.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply