Now showing: Senate & house probe starring laylay ‘este Sen. Leila De Lima

NAKS naman ha!

Bidang-bida si Senator Leila De Lima ngayon.

Habang nagsasagawa siya ng hearing sa Senado, iimbestigahan naman ng Kamara ang sina-sabing Bilibid drugs.

Mayroong mga ipatatawag na sinasabing drug lord na nakakulong sa Bilibid gaya nina Herbert Colangco at Noel Martinez.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng  House committee on Justice, hindi si Sen. Leila De Lima ang target sa isasagawang imbestigasyon hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Tiniyak ni Umali, dating miyemrbo ng Li-beral Party, magiging patas sila sa imbestigasyon.

Sabi pa niya, hindi niya maaaring hindi tuparin ang kanyang tungkulin bilang chair ng komite kahit pa sister niya sa sorority ang neophyte senator.

Talaga naman!

Mukhang meet na meet ni Madam Leila ang kanyang objective sa committee hearing sa Senado na kanyang pinamumunuan…

Grandstanding na grandstanding ka Madam Senator!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap