Wednesday , December 7 2022

Emma Cordero, Woman of the Universe

WOMAN of the Universe ang nakuhang titulo ng singer na si Emma Cordero sa katatapos na Mrs. Universe na ginanap kamakailan sa China. Proud na proud si Emma sa kanyang naging titulo. Pakiramdam niya’ y kasing bigat din o mas higit pa sa simpleng Mrs. Universe ang Woman of the Universe.

Nang tanungin si Emma kung ano ang naging basehan ng judges kung bakit siya ang nagwaging Woman of the Universe, anito, ipinakita niya ang kanyang talento sa pagkanta at inilatag din niya ang kanyang advocacy naAgainst Domestic Violence dahil siya mismo ay nakaranas nito.

Mayroon siyang charity na nagtayo siya ng eskuwelahan sa Laguna para sa mga less fortunate children.

Nagkaroon ng  mini-concert si Emma sa ginawang victory party at sa totoo lang, wala pa ring kupas si Emma sa pagkanta at siya pa rin ang may K na tawaging Asia’s Princess of Songs.

Pinabulaanan ni Ovette Ricalde, ang Mother of All Pageant ang lumalabas na balitang nagbayad daw si Mrs. Australia para maging Mrs. Universe. Wala raw katotohanan ito dahil kung bayaran din daw ang labanan eh ‘di sana’y  nagbayad din sila para manalo si  Emma.

MAKATAS – Timmy Basil

About Timmy Basil

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply