Monday , December 5 2022

Ex-transport leader patay sa ambush (Sa Albay)

LEGAZPI CITY – Patay ang isang dating transport leader sa Albay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem suspects sa labas ng kanilang bahay sa Brgy. Inarado, Daraga, Albay kahapon.

Ayon sa mga saksi, naglalakad ang biktima at ang kanyang apo nang dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo ang biglang nagpaputok ng baril kay Oscar Magallon, dating pangulo ng Albay Jeepney Drivers Association.

Tinamaan ng limang bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Samantala, hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa insidente.

Magugunitang pinamunuan ng biktima  ang tigil-pasada mula 4:00 am hanggang 12:00 ng hatinggabi sa Albay noong taon 1996 bilang pakikiisa sa layuning i-repeal ang oil deregulation law na nagresulta sa 99 porsyentong pagkaparalisa ng transportasyon sa lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Rank No. 10 MWP
WANTED SA ROBBERY, NASAKOTE SA KANKALOO

BAGSAK sa kulungan ang isang miyembro ng “Limos Carnapping Group” na nasa talaan bilang rank …

shabu drug arrest

P.1M shabu
2 BEBOT, TULAK, HULI SA DRUG BUST

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhaan ng mahigit P.1 …

Sibuyas Onions

Magsasaka dehado sa planong  importasyon ng sibuyas — Imee

MAGIGING malungkot ang Pasko ng mga magsisibuyas sa walong lalawigan kung itutuloy ng gobyerno ang …

PHil pinas China

Joint exploration sa WPS, ituloy – Marcos Jr.

KAILANGANG makahanap ng paraan ang Filipinas para matuloy ang paggalugad sa West Philippine Sea (WPS) …

NTF-ELCAC

Pondo ng NTF-ELCAC ilipat sa serbisyo publiko — Makabayan

NANAWAGAN ang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na tapyasan ang P10 milyong …

Leave a Reply