Tuesday , December 6 2022

Sa pagtanggap ni Alex kay Joseph —‘Di namin kailangang mag-pretend

PAGKATAPOS ng Q and A sa presscon ng My Rebound Girl ay inamin ni Alex Gonzaga na naging biktima na siya ng ganitong sitwasyon, ang iwanan ng boyfriend at balikan ang dati nitong girlfriend.

Hindi itinanggi ng aktres na labis siyang nasaktan pero nakapag-move on daw siya.

Kuwento ng dalaga, “Feeling ko kasi ang pangit-pangit ko tapos mao-obsess ka roon sa babaeng binalikan. Parang makikipag-compete ka sa isipan mo maski wala na kayo niyong guy. Iisipin mo na bakit ka iniwan, bakit hindi ikaw ang pinili?”

May pinanggalingan ang sinabing ito ni Alex pero ayaw niyang banggitin kung sino ang lalaking ginawa siyang Rebound Girl.

Tinanong namin kung bakit nawala na sila niyong Chinese guy na writer ng Top Gear Philippines.

Mabilis na sabi ng dalaga, “’Wag na ‘yun!  Hindi na importante ‘yun, ang nakaraan ay nakaraan na, ako ay nagpo-focus na.  ‘Pag may kinuha sa akin si Lord at ‘yung ipinapalit sobrang okay.”

Hirit ulit namin kung bakit nga sila naghiwalay at nakailang buwan.

“Hindi ko rin alam (bakit naghiwalay), dalawang buwan, ha, ha, ha. Hindi ko rin alam kung (bakit nawala), siguro ‘yung ugali rin namin, hindi tugma. Matagal kong prinoseso sa utak ko kung bakit (nawala), pero naisip ko, hindi, mutual decision. ‘Wag na nating pag-usapan kasi wala namang bearing talaga,” kuwento ng dalaga.

Sa madaling salita, hindi tanggap ng lalaki kung sino at ano siya.

“Accept me who I am, accept my imperfections. ‘Di ba minsan may mga ayaw ka sa sarili mo, tapos may makaka-meet kang tao na who will take against you pa, so mas masakit,” malamang sabi ni Alex.

Kaya raw pinupuri niya ang leading man niyang si Joseph Marco na ibang-iba ang pagkatao.

Sabi ni Alex, “With Joseph he’s very accepting, siguro may friendship talaga kami na hindi na namin kailangang mag-pretend sa isa’t isa.

“Consistent ang existence niya sa buhay ko. Very mysterious siya at alam niya ang personal niya sa showbiz, so puwede naman (maging boyfriend).

Tinanong kasi si Alex kung posibleng maging boyfriend niya si Joseph kung pormal nang manliligaw sa kanya.

Teka, hindi pa ba nanliligaw, “for the record, hindi ko rin alam, kasi hindi ko rin alam kung talaga bang nagpaparamdam siya or talaga bang seryoso siya. Yes, mixed signals.

“Actually, hindi naman mixed signals, pero may time na parang feeling ko, oo.

“May time na may mga ibinibigay siya sa akin, may ibinigay siya sa akin, touched na touched ako talaga, noong Valentine’s Day, binigyan niya ako ng bracelet. Terno kami.”

Sabay bawi, “pero ayokong mag-assume na ganoon nga (nanliligaw), siguro kung pupunta siya sa bahay ng hindi ko alam o walang nakakaalam, baka.”

Dagdag pa ni Alex na nasubukan daw niya na parating nasa tabi lang niya si Joseph noong kumandidato ang daddy Bono niya sa Taytay, Rizal bilang Vice Mayor at nangailangan siya ng suporta ng mga kaibigan niya ay pumunta kaagad ang aktor nang tawagan niya.

Samantala, lukang-luka ang lahat ng nasa presscon sa usapang ‘kati at pangangati’ nina Alex at Joseph sa isa’t isa habang nagso-shoot sila ng My Rebound Girl na kinunan sa Benguet Province.

“Nasa Benguet kami, super nangati ang paa namin. So, lahat nagbibigay sa amin ng rescue, ng tubig, ng sabon. Ako lahat ang pinauna ni Joseph, siya tiniis niya ‘yung kati. ‘Di ba, ang bait niya?”paglalarawan ng aktres.

Pa-cute na sagot naman ni Joseph, “Iba talaga, intense ang kati niyon, but of course, sino ba naman ang hindi mag-a-adjust ‘di ba? You’re my girl.”

Sa tanong kung ano ang ginawa ni Marco para mawala ang pangangati ni Alex, “hindi ko pinakamot, eh. Kasi ‘pag kinakamot, lalong kakati. So, hinataw-hataw lang niya,” say ng dalaga.

Hinataw as in hinataw, “tapik-tapik, ganyan (sabay muwestra). Bakit kayo natawa?” hirit ni Alex.

Ano naman ang ginawa ni Alex para mawala ang pangangati ng leading man?

“Ayaw niya (Alex) ring ipakamot sa akin, so tiniis ko na lang ang kati hanggang sa napigilan ko siya. Kaya tinawagan ko siya para sabihing huwag niyang kamutin dahil mawawala rin naman ang kati,” nakangiting sabi ng binata.

Sa kabilang banda, maraming nakapansing panay ang dantay ni Alex sa hita ng binata at nakatungkod pa minsan. Kaya tinanong namin ang aktor kung hindi pa ba sila magdyowa gayung touchy na sila sa isa’t isa.

“Ayoko kasing pilitin, I mean, gusto kong maging natural siya. ‘Yun nga, sabi ni Alex, I really tried before, pero feeling ko, ‘yun nga, nung time na ‘yun, hindi pa kami ready na dalawa,” seryosong sagot ng aktor.

So, ngayon, handa na si Joseph para kay Alex, “tingnan natin.”

Parehong unang pelikulang pagbibidahan nina Alex at Joseph ang My Rebound Girl kaya sobrang nagpapasalamat sila kina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa tiwalang ibinigay sa kanila.

Showing na sa Setyembre 28 ang My Rebound Girl mula sa direksiyon ni Emmanuel dela Cruz at kasama rin sina Martin Escudero, Nathalie Hart, Carl Guevarra, Alora Sasam, Anna Vicente at iba pa.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Leave a Reply