Ano ba talaga ang official function ni T/A Bustamante sa BI!? (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)
Marami raw ngayon ang naaalibadbaran sa karakas at aktibidad ng isang Jimmy Bustamante na nagpapakilalang T/A raw sa Bureau of Immigration Warden’s facility diyan sa Bicutan.
T/A as in Technical Assistant or Technical-Alalay?!
Magmula pa raw nang mapasok sa Bureau, courtesy of expelled ‘este ex-commissioner SiegFraud ‘este Siegfred Mison ay dala-dala na ang kanyang pagiging bosyo ‘este bossy-bossy, kahit pa raw may organic employees na mas may legal personality sa kanya?
Power trip mode ha?!
Okay na raw sana kung siya ang designated head doon or kahit deputy man lang. Ang kaso mismong ang BI detention warden nga raw ay hindi man lang nagso-show of force sa mga tao roon.
Hindi lang daw umaaktong presiding offi-cer sa meetings si Bustatae ‘este’ Bustamante, siya pa raw ang nag-a-assign ng duties and functions ng mga tao kesehodang organic ka man or C/A raw?
Wattafak!?
Buti naman sana kung “in the interest of the service” ang mandate ng mama. Ang siste obvious naman daw na pagdating sa mga trabahong ‘pangkabuhayan’ ay doon lahat sa kanya napupunta at ‘pag wala naman ay saka ibabato sa mga kasamahan?
Ugh!!!
‘At my very own interest’ pala?!
Immigration Commissioner Jaime Morente, Sir, baka po pwede paki-klaro lang ang functions nitong si Mr. Bustamantsa ‘este Bustamante at baka biglang magka-riot sa BI Bicutan detention cell dahil sa pag-epal ‘este pamamalakad ng isang ‘yan?!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
