Saturday , December 10 2022

Mag-ingat sa scam protektahan ang inyong personal informations

Hindi na po bago sa atin ang iba’t ibang scam lalo na ang identity theft. Naging talamak ito dahil sa hindi tamang paggamit ng social media.

Ilang tip po para makaiwas sa identity theft:

Umiwas sa paggamit ng public wi-fi. Marami pong hackers ang kayang-kayang nakawin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa inyo kapag naka-public wi-fi.

Kung mahilig kayong makipag-swap ng inyong lumang cellphone o iba pang gadget, tiya-kin ninyo na walang naiwan na importanteng numero, mensahe, makompromisong retrato o video sa inyong ipagpapalit o ipagbibiling lumang gadget.

Huwag masyadong open sa pagse-share ng mga detalye tungkol sa inyong buhay sa social media (FB, TWITTER, INSTAGRAM & SNAPCHAT). Hindi kayo celebrities.

Huwag masyadong iladlad ang personal information na para kayong gumagawa ng resume o curriculum vitae.

Huwag i-post ang inyong bills and receipts na may kompletong pangalan, address at contact number.

Mag-ingat din sa pamamahagi ng inyong ID o calling cards.

Ilang tip lang po ‘yan.

Ibahagi rin ninyo sa inyong mga anak lalo na sa mga teenagers na nalululong sa social media.

Uulitin ko lang po, mag-ingat sa identity theft.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply