Mga nagpapabinyag, nagpapakasal, tinutulungan ni Vice
ALIW NA ALIW kami sa daily noon time show ng ABS-CBN sa portion ng Trabahula at Tawag ng Tanghalan sa Itโs Showtime.
Sobrang entertaining ng tanghali namin dahil kina Vice Ganda na maituturing na isa sa pinakamahusay na host sa telebisyon, kabilang na rin ang kanyang mga co-host.
Grabe pala itong si Vice! Ayaw niya kasing masulat at pag-usapan ang mga ginagawang pagtulong sa kapwa na kahit hindi humihingi sa kanya, bastaโt naramdaman niya na nahihiparan at nangangailangan ay hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan.
Hindi lang natin alam kung gaano karami ang mga taong dinadamayan niya at โyung mga kabataang nag-aaral na sinusuportahan niya.
Nakatutuwa lang kasi na kahit sikat na sikat na siya at kahit malayo na ang narating sa industriya, napaka-down to earth pa ring tao ni Vice. Hindi siya nakalilimot. Pati โika mo binyag ng mga batang kailangang maging ganap na Kristiyano, mga couple na hindi makapagpakasal, mga namatayan, nagkasakit, sagot niya at tinutulungan niya.
Laging maluwag sa loob ni Vice, walang hinihinging kapalit. Kahit โyung mga taong close sa kanya at talagang nakakikilala sa kanya laging sinasabing, hindi pa rin siya nagbabago ng ugali. Marahil kaya sobrang blessed niya ngayon ay dahil sa likas na mabait at matulungin siya sa kapwa. Ikaw na talaga, Vice! Ipagpatuloy mo โyan. Pak ganern!
NO PROBLEM DAW – Letty G. Celi
