Sunday , July 21 2024

Misters of Pilipinas 2016 candidates, ipinakilala na

IPINAKILALA na ang official candidates ng Misters of Pilipinas 2016 ng PEPPS (Prime Event Productions Philippines Foundation, Inc) na si Carlo Morris Galang ang Presidente sa One Canvas, Makati. Dating actor si Carlo (Rain Javier) at naging kinatawan ng Manhunt International noong 2010.

Sa September 18, Sunday, 7:00 p.m. ang finals sa Newport Performing Arts Theater Resorts World Manila.

Ilan sa produkto ng Misters of Pilipinas ay ang actor na si Neil Perez (Mariano P. Flormata Jr.) na naging Mister International 2014. Nandiyan din si Gil Wagas , Jr. na 4th Runner-up, Mister International 2013, Reniel Villareal—Top 10, Mister International 2015, Don Mcgyver Cochico-Manhunt International Philippines 2015-16, Christian Mark Galang—Mister Asia Philippines 2014, Adam Rhys Davies—3rd Runner-Up, Mister Model International, at ang kapapanalo ngayon na si Karan Singhdole bilang Man of The Year International na ginanap sa Indonesia.

Mahigpit na nakalaban ni Karan ang mga kandidato mula sa Spain at Lebanon.

Si Karan ang pangalawang  male representative ng Pilipinas na nanalo sa isang international male pageant. Wagi rin noong 2014 si Perez sa Mister International Pageant na ginanap sa Ansan, Korea. Highlight si Karan sa naganap na okasyon ng PEPPS sa One Canvas. Posibleng pasukin na rin niya ang showbiz at ultimate crush niya si Liza Soberano.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …

Sheryl Cruz BF

Sheryl suwerte sa lovelife at career ngayong 2024

MATABILni John Fontanilla MUKHANG natagpuan na nga ni Sheryl Cruz ang lalaking magpapasaya sa kanya at makakasama …

Enchong Dee Piolo Pascual Jericho Rosales Alden Richards Dingdong Dantes

Enchong G sa BL project; wish makatrabaho sina Piolo, Echo, Alden, at Dingdong

MA at PAni Rommel Placente NAKAGAWA na rin naman ng gay role si Enchong Dee sa pelikuang Here …

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *