Thursday , June 4 2026

Devon ‘di man ligawin, ‘di naman tomboy

SA ginanap na contract signing ni Devon Seron sa Regal Films para sa four-movie contract, ang una raw niyang gagawin ay ang horror movie na Pwera Usog na sana raw ay hindi mausog dahil ito ang una niyang pelikula simula noong nakilala siya sa Pinoy Big Brother Teen ClashEdition 2010.

Isa na si Devon sa Regal Millenial Baby nina Mother Lily Monteverde at Ms Roselle Monteverde-Teo kasama si Yen Santos.

Bagamat walang pelikula si Devon ay hindi naman daw siya nawawalan ng projects sa ABS-CBN dahil parati siyang kasama sa serye o kaya naman ay may guestings siya.

“Tiis-tiis lang naman po at thankful po ako kasi nakakapag-provide pa rin ako sa family ko maski paano,” sabi ni Devon.

May regular show ngayon si Devon dahil kasama siya sa seryeng Be My Lady nina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales at ka-loveteam niya si RK Bagatsing.

Nalaman naming si Devon pala ang loveteam ni James Reid noong nasa loob sila ng bahay pero noong nakalabas na sila ay naudlot na at okay lang daw iyon sa dalaga.

Sa katunayan ay masaya siya sa magandang karera ngayon ng aktor at sa partner nitong si Nadine Lustre.

“Happy ako sa kanya (James) kasi baka may dahilan naman kaya hindi kami at baka hindi rin okay kung ako. At saka ‘yung mga blessing niya ngayon ay dahil din sa partner niya (Nadine),” say ni Devon.

Hindi raw nakilala pa ni Devon si Nadine dahil nga sandali lang silang nagkita, ”first time ko lang din po nakita in person si Nadine at maganda po, morena.”

Samantala, sa edad na 22 ay hindi pa naranasan ni Devon na magkaroon ng boyfriend at habang ikinukuwento niya ay panay ang lingon niya sa likod niya dahil, ”nandiyan si mother, very strict, ha, ha, ha,” natawang sabi sa amin,

Hindi naman daw sobrang higpit ang magulang ni Devon kundi sinabihan lang na ilagay sa lugar ang pakikipagrelasyon at sana ipakilala sa kanila lalo’t puro sila babaeng magkakapatid at ang aktres ang bunso.

May magandang katwiran din si Devon kaya ayaw din niyang magka-boyfriend, ”marami pa kasi akong gustong gawin po sa buhay at saka baka hindi ko ma-handle ang career at lovelife if ever.”

At take note Ateng Maricris, pawang guwapo ang crushes ni Devon tulad nina Sam Milby, Enchong Dee, Piolo Pascual, Coco Martin, na gusto rin daw niyang makatrabaho soon.

At dahil hindi rin ligawin si Devon, hindi kaya tomboy siya, ”marami po akong friends na boys, baka kasi isip nila, I’m one of the boys, pero hindi po ako tomboy.”

Heto pa, humahanga si Devon sa kapwa niya babae, ”kasi like sobrang ganda, iba ang beauty tulad nina Liza Soberano, Bea Alonzo, Ylona Garcia, iba ‘yung beauty nila, pero hindi po ako tomboy,” diin pa ng dalaga.

Sa kabilang banda, excited nang magsimula ni Devon ng pelikulang Pwera Usog at talagang sobrang overwhelmed siya sa nangyaring contract signing.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …