Isang maligaya at makabuluhang kaarawan madam Senator Grace Poe

NAIS namin batiin ng isang masaya at ma-kabuluhang kaarawan si Senadora Grace Poe.

Kahapon ang kanyang kaarawan at para sa kanya, isa sa pinakamasayang ginawa niya ay ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa lalawigan ng kanyang tatay na si Fernando Poe Jr., sa Pangasinan.

Ayon kay Madam Grace, bahagi iyon ng kanyang pasasalamat para mga biyaya at pagpapala ng Maykapal sa kanya.

Kapiling niya sa pasasalamat na ito ang halos 1,000 bata sa isang pananghalian.

Bahagi iyon ng kanyang kahilingan, sana’y maapbrubahan ang kanyang isinusulong na Senate Bill 160 na magkaloob ng libre at masustansiyang pananghalian para sa mga batang-estudyante sa paaralan.

Muli happy birthday, Senator Grace Poe!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap