Marian, posibleng maging daan sa pag-aayos nina Ai Ai at Kris
WALANG masamang tinapay kay Marian Rivera kung gustong mag-guest niKris Aquino sa Sunday Pinasaya.
Sey ng Kapuso Primetime Queen, wala naman daw problema sa kanya at welcome na welcome si Kris sa sa kanya. Kaibigan daw niya si Kris at ninang pa nila ito niDingdong Dantes sa kasal nila.
Hindi rin niya nakalilimutan na matapos ang bakasyon ni Kris ay nag-guest ang TV host sa โYan ang Morningโ . Ito ang unang guest appearance ni Kris sa GMA.
Ayaw niyang maipit sa napapabalitang gap nina Ai Aiย Delas Alas at Kris.
โSabi ko nga, kung wala namang ginagawang masama sa akin ang isang tao, bakit mo kailangang idamay ang isang tao, hindi ba? Mabait sa akin โyung Ninang Kris ko, at the same time, magkaibigan din kaming matalik ni Kambal (tawag niya kay Ai Ai), so walang mahahati para sa akin,โ deklara niya.
Hindi kaya siya ang tulay para magkaayos ang dalawa?
โWhy not, โdi ba? Pero may mga bagay na mahirap panghimasukan lalo na kung hindi mo alam kung ano ang pinagmulan,โ pakli ni Marian.
Anyway, bilang first anniversary ng Sunday show, magkakaroon ng two-part birthday celebration ang show na ipalalabas saย September 4 and 11.
TALBOG – Roldan Castro
