Chot Reyes, papalitan si Lorenzana bilang prexy at CEO ng TV5
KAHAPON (Biyernes) ay inanunsiyo na ng TV5 management na si Mr. Chot Reyes na ang bagong Presidente at Chief Executive Officer ng Kapatid Networksimula sa Oktubre 1, 2016.
Papalitan ni Mr. Reyes si Mr. Noel Lorenzana na hanggang Setyembre 30 na lang ngayong taon.
Kilalang dating coach ng Talk and Text team sa Philippine Basketball Association o PBA si Mr. Reyes at tatlong taon na siya TV5 bilang head ng Sales at Marketing Department.
Sabi pa ng kausap naming TV5 executive, maayos daw ang performance ni Chot dahil malakas ang News at Sports program nila.
Ang kuwento sa amin ng taga-TV5, βOkay naman si Chot kaya siguro pinili siya ni MVP (Manny V. Pangilinan) kasi nakitaan niyang masipag naman.
βIn fairness naman kay Mr. Lorenzana, taga-Smart siya before at pinakiusapan siya ni MVP na i-manage ang TV5 and the guy really did his best naman maski hindi niya linya ang television.
βNapababa niya ang losses ng TV5 kompara rati, though lugi pa rin, pero napababa niya at hindi na lumaki pa ang lugi.β
Hindi naman daw totally mawawala si Mr. Lorenzana dahil ililipat siya sa ibang kompanyang pag-aari ni MVP.
FACT SHEET – Reggee Bonoan
