Biktima si QC konsi Hero ng illegal na droga

My sympathy goes to Mayor Herbert Bautista.

Biktima nga naman ng ilegal na droga ang kanyang kapatid.

Kaya ayaw nating isipin na sa anim na taon bilang Alkalde sa QC ay bigo siya laban sa ilegal na droga?!

Sabi nga ng ilang urot sa QC city hall, baka masyadong naging abala sa lovelife si Yorme Bistek at napabayaan ang utol niya?

Pero imbes pagtsismisan at laitin, mas dapat nga namang tulungan para makapagbagong-buhay lalo na kung hindi naman siya nagbebenta ng droga.

Ano nga naman ang gagawin ni Mayor, walang iba kundi i-extend ang kanyang kamay sa kanyang kapatidโ€ฆ

Hindi ito panahon ng pagtatakwil kundi panahon ng pagdamay sa isang naliligaw ng landas.

Maganda rin siguro na maging magandang ehemplo si Konsi Hero na maunang magpa-rehab sa itatayong drug abuse treatment facility ng QC.

Letโ€™s give Hero a chanceโ€ฆ

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap