Monday , June 24 2024

Romano Vasquez, bumangon at nagsikap

TULAD NG kanyang ipinangako sa sarili, bumangon, nagsumikap, at yumaman nga ang dating miyembro ng Friday group ng That’s Entertainment na si Romano Vasquez.

Live kamakailan sa Cristy Ferminute, nag-promote si Romano ng kanyang bagong album na pinamagatang Chicken Adobo. Si direk Maryo J. de los Reyes ang manager ng nagbabalik na singer.

Sa panayam namin ni Tita Cristy Fermin sa kanya, siyempre, hindi maiiwasang maungkat ang pagkagumon niya noon sa ipinagbabawal na gamot. Yes, limang taon din siyang nasadlak sa droga na malaki ang naging impluwensiya ng sinamahang tropa.

“Three years old pa lang ako noong mamatay ang nanay ko. That time, may hinahanap ako sa buhay. Malakas akong kumita noon, hanggang sa nabarkada’t nagbisyo ako. Naubos lahat ng pera ko. Kung kani-kanino ako nakikitulog, pati nga sa kalye, eh, naranasan ko ring matulog.  Kulang na lang, eh, mapagkamalan akong taong grasa,” pangungumpisal ni Romano.

Isang araw, nagdesisyon daw si Romano na tumawag sa kanyang ama upang umuwi na, “Tinanggap naman niya ‘ko. Ganoon pala ‘yon, kapag tinalikuran ka na ng buong mundo, may pamilya ka pa ring uuwian.”

Mula noon, he promised himself he’d bounce back. Doon niya nakilala si Alma na naging asawa’t ina ng kanilang dalawang anak, “Si Alma ang nagrekomenda sa akin na kumanta sa White Bird, isang gay bar sa Pasay City.”

Pero ang turning point daw aniya ng kanyang buhay ay nang magtayo na siya ng sariling negosyo. Isa na rin siyang motivational speaker ngayon sa mga nagnanais magtayo ng sariling business.

Sa lipunan na ating ginagalawan, muli nating tinatanggap ng buong higpit ang mga tao who deserve a second chance, at isa roon ay si Romano Vasquez.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *