Gov. Amor Deloso sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico, Manila (Sa Miyerkoles, 10 Agosto 2016)
Bukas inaasahang magiging makabuluhan ang talakayan sa Kapihan sa Manila Bay dahil sa mainit na isyu ng illegal mining sa lalawigan ng Zambales.
Lalo na nang mabistong, ang boulders at lupang ginamit sa reclamation ng China sa Scarborough Shoal ay mula sa ‘tatlong bundok’ ng Zambales.
Pero mayroon din lumutang na ang dinadalang lupa sa Scarborough Shoal ay mula sa mine tailing.
Ito ‘yung mga tira-tira sa mga minahan na mayroon pang residue ng iba’t ibang uri ng mineral o likas na yaman mula sa lupa.
Bukas magiging panauhin si Zambales Governor Amor Deloso para pag-usapan ang mainit na isyung ito at kung sino ang kanyang mga pananagutin.
Inaanyayahan ang mga katoto sa media na dumalo sa Kapihan sa Manila Bay, ganap na 9:00 am sa Café Adriatico, Remedios Circle, Malate, Maynila.
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
[divider]
