Tuesday , June 25 2024

Aiza, apektado ‘pag si Liza ang bina-bash

NAG-POST ang misis ni Aiza Seguerra na si Liza Dino sa kanyang Instagram account ng kanyang sentiments. Ito’y may kinalaman tungkol sa mga taong napapaslang na may kinalaman umano sa droga.

Hindi siya naniniwala na ang lahat ng pinapatay o napapatay ay mga drug pusher o drug addict. Ang ilan daw sa mga ito ay inosente na dapat ay iniimbestigahan muna. Sabi niya sa kanyang IG post, ”Talaga? Lahat ng pagpatay ngayon drug related? Lahat na lang mistaken identity?”

Dahil sa opinyon na ito ni Liza ay nakatanggap siya ng batikos mula sa kanyang bashers. Na ipinagtanggol naman siya ni Aiza sa mga ito.

Sabi ng singer, natural lang daw ang bashing sa trabaho nila. Bata pa nga lang daw siya ay na-experience niya na ang ma-bash. Wala pa raw social media ay kaliwa’t kanan na ang natanggap niyang batikos at panlalait dahil sa kanyang gender, pero hindi raw siya nagpaapekto.

Pero ibang usapan na raw kapag ang asawa niya ang sinabihan ng masasakit na salita.

“Most of us na may mga asawa would understand. Ako tirahin nila, wala akong pakialam. But when it comes to my wife, siguro roon lang hindi ko kinakaya because, somehow, I feel responsible because she chose to be with me. And siguro, at the same time, napurga na rin ako parati sa sinasabi na wala akong pakialam. Talaga, if someone you love is being bullied, hahayaan mo lang? Parang if someone you care about is binabastos ng ganoon, hinahayaan mo lang? I mean, lalong darami ang mga ganyang klaseng tao dahil nagtatago sila sa Facebook, eh. Kung kailangan ko silang pangalanan, papangalanan ko sila. Kung kailangan kong ilabas pag-iitsura nila, gagawin ko dahil dapat matuto tayo ng accountability,” ang mahabang sabi pa ni Aiza na halatang galit sa bashers ni Liza.

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez sa kabila ng mga pagsubok may matibay pananalig sa Diyos, nakatutok sa mga anak na sina Reece at Sapphire

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KAHIT dumating man ang maraming pagsubok at dagok sa buhay, …

BGYO

BGYO nagsampa cyberlibel at unjust vexation vs mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news

MA at PAni Rommel Placente HINDI na nakapagpigil, nagsampa ng kasong cyberlibel at unjust vexation …

Gary Estrada Dina Bonnievie Bernadette Allyson Carmina Villarroel

Gary ini-stalk noon si Dina; magpapakamatay ‘pag ‘di pinansin 

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gary Estrada sa Saturday morning show na Sarap, Di Ba? ng GMA …

AR dela Serna Harry Roque

Sino nga ba si AR dela Serna na laging kasa-kasama ni Harry Roque sa Europe?

HATAWANni Ed de Leon MAY ilang nagpadala sa amin ng messages ilang araw na at …

Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *