Friday , July 19 2024

Bulilyaso sa MCIA Immigration imbestigahan! (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)

USAPAN ngayon ang bulilyaso riyan sa Immigration Mactan Cebu International Airport (MCIA).

Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW)  bound for Dubai ang na-A-to-A (airport to airport) matapos mag-transit at ibalik ng bansang Singapore!

Wattafak!?

Akala natin ‘e mga super higpit ang mga bagong Immigration TCEU head and members na ipinadala riyan sa Cebu airport?

Balitang isang IO Ria Roxas ang primary inspector at batchmate ng all-terror cast MCIA-TCEU (travel control enforcement unit) ang nagtatak sa passport ng nasabing OFW.

Nabuking yata sa Singapore na may nakaipit na E-Visa sa passport ang nasabing OFW at hindi naman pala turista kaya nabulilyaso matapos magkamaling pumila sa counter ng immigration.

Ang tanong, “cream of the crop” ba talaga ang current TCEU line-up ng Immigration MCIA kaya sila ang mga ipinadala riyan?

From MCIA TCEU Head Mura-flor ‘este Miraflor to TCEU Garbage ‘este Garbas-Relatos tandem up to TCEU Re-uyat ‘este Reuyan.

Aba’y All-Star cast nga!

Paano nakalusot ang ang isang improperly documented na OFW kung walang sabwatang naganap dito?!

Ang balita sila pa raw lahat ang naka-duty noong dumaan ang nasabing OFW?

Magkano ‘este ano ba talaga ang ‘true to life story’ at nangyari ito?

Any explanation sa performance level ng mga bata mo, over-all TCEU Head Barizo!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *