Tuesday , July 5 2022

Daniel at Kathryn, nahanap na ang true love

00 SHOWBIZ ms mWALANG dudang matatawag na perfect pair sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil isa rin sila sa pinakasikat na loveteam at pinaka-sweet, on and off-cam.

Kaya interesting ang pinakabagong produktong kanilang ineendoso, ang San Marino Corned Tuna na nagpapakita kung paano nagsimula ang lahat sa kanila gayundin kung paano sila nagkakilala, at ang mga nagging adventures nila bilang loveteam.

Ani Daniel, marami na silang nagawang ads na dalawa pero ang I Found My True Love in San Marino Corned Tuna ad ang magpapakita ng lahat-lahat tungkol sa kanila ni Kath.

Sinabi naman ni Kathryn na excited siya sa ginawang TVC, “May 15 seconds kasi na ipinakita yung meeting namin hanggang sa paano kami…”

“Happy na naman ako kasi, kasama ko si Kathryn dito kaya kompletong-kompleto,” mas vocal namang turan ni Daniel ukol sa kanilang bagong TVC.

“Kilig ang commercial,” saad pa ni Kathryn.

“Kilig, pero napaka-natural,” dugtong naman ni Daniel ng nakangiti.

Masasabing hindi na nga sikreto na ang KathNiel’s love team on-screen na mas nag-grow pa. At ‘yung love na mayrron sila, naging real life  kaya and have they found true love in each other?

“Maybe,” ang natawang sagot ni Daniel samantalang si Kathryn, “Siya na lang ang tanungin n’yo ryan,” bago natatawang inamin din na, “maybe!”

Ito ang dahilan kaya alive na alive ang kilig sa dalawa. Ang kilig na dahilan para ang mga tao, lalo na ang kanilang fans ay patuloy na mag-isip at mangarap kung gaano na nga ba sila ka-in-love sa isa’t-isa—because there is no question that they are and dating, at that.

Ayon din kay Daniel, ang pagdi-date nila ay higit na sa getting-to-know stage. It is already in the “dating comfortably” stage—pagkain sa labas, manood ng sine, discovering new restaurants, group dates or mag-out-of-town kasama ang kanilang mga kaibigan at minsan, ang kanilang mga Nanay.  At katulad nga ng kanilang love team na mas gusto nilang sila muna ang magkapareha, they are exclusive and want to take it slowly, discovering new things, taking things to a different level one step at a time.

Kaya naman ngayong taong ito, ibang KathNiel ang mapapanood ng mga tao sa kanilang bagong pelikula na kinunan pa sa Barcelona City at walang dudang isa na naman sa mga box-office hits nila. Pero anumang success na mayroon sila ngayon ay dahil na rin sa suporta ng kanilang  fans.

Sabi nga ni Daniel, “’Yung fans namin, mga KathNiel, ‘yun ang malupit. ‘Yun ang mga record-breaker talaga.”

Limang taon na bilang number one at hottest loveteam sa bansa ang KathNiel kaya natural nang makikipag-team-up sa San Marino Corned Tuna, ang orihinal at number one Corned Tuna sa bansa ang dalawa. Both are leaders in their field that many want to copy and emulate.

Masayang-masaya nga sina Daniel at Kathryn na sila naman ang mga bagong ambassador ng San Marino Corned Tuna.

“It’s a blessing, sobrang bait din ng mga may-ari,” saad ni Daniel.

Naniniwala naman si Kathryn sa sarap at healthy benefits na makukuha sa San Marino Corned Tuna na good for the heart, less oil more tuna. Mayaman sa Omega 3 at DHA at good for the heart and brain.

Aniya, “Actually, noong una ko pa lang natikman ang San Marino Corned Tuna, nagulat ako kasi, ang sarap!… and ever since, I like it with crackers.  Tapos, healthy pa.”

Dugtong pa ni Daniel, “Healthy pero ang sarap.”

At katulad nga ng relasyon na mayroon ngayon sina Kathryn at Daniel gayundin ng kanilang fans, nakasisigurong ang bagong partnership ng KathNiel at San Marino Corned Tuna ay “bagay” at guaranteed to be a love that lasts.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdwz Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply