Thursday , July 7 2022
Eat Bulaga
Eat Bulaga

37 years ng Eat Bulaga sa ere mahirap nang mapantayan

KAHAPON sa pagdiriwang ng 37th anniversary ng Eat Bulaga, isang malaking selebrasyon ang inihandog ng pangtanghaling programa para sa lahat ng kanilang avid viewers Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo.

Magmula sa inihandang production numbers ng EB Dabarkads kabilang ang The Twist dance number ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon, Rihanna’s Work dance craze, number nina Pia Guanio, Pauleen Luna at Partricia Tumulak na parehong mga super sexy, macho man ni Baste with the Baes at trio ng walang kupas na sina Tito, Vic and Joey hanggang sa Juan For All, All For Juan, Hakot Pa More at KalyeSerye.

Nag-enjoy ang lahat sa masayang selebrasyon ngayong taon ng Bulaga na tinawag nilang “EB Is Love” na inihatid nila ang unlimited saya at papremyo sa lahat ng mga nakiisa at nakisaya sa kanilang anibersaryo sa araw na ito.

Nagbalik-tanaw ang programa, sa tatlumputpitong taon ng Eat Bulaga sa ere na napanood sila sa tatlong TV networks na RPN sa kanilang unang ere, ABS-CBN-2 at GMA-7 na home network pa rin nila hanggang ngayon at pitong pangulo rin ng bansa ang naging bahagi ng longest-running noontime variety show.

Still hanggang ngayon, mahirap nang mapantayan ang layo ng narating ng EB at mga naging achievement nito kasama na ang matagal na panahong pamamayagpag sa ratings game.

Sa pamamagitan pala ng VTR ay binati ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang EB Dabarkads at lahat ng mga bumubuo nito sa kanilang anibersaryo at nag-wish pa ang pangulo na sana abutin pa ng 1,000 years ang favorite noontime show ng milyon-milyong Pinoy.

You cannot beat the original gyud!

Kaguwapohan ni Paolo maibabalik pa kaya ni Candy?

PANOORIN SA WANSAPANATAYM PRESENTS: CANDY’S CRUSH

Tanging ang crush mula pagkabata na si Candy (Loisa Andalio) ang naniniwala at nakauunawa ngayon sa mayaman at campus hearthtrob na si Paolo (Jerome Ponce). Dahil sa pagbabago ng kanyang itsura na dating guwapo na naging pangit bilang parusa sa kanya ng matandang (Ruby Ruis) eksperto sa gayuma ay wala nang nakakikilala kay Paolo at lahat na lang ay pinandidirihan siya, pati ang kanyang pamilya ay itinataboy siya.

Mabuti na lang at nariyan pa si Candy na mula’t sapol ay understanding sa binata. Para kanyang matulungan ay pinatuloy ni Candy, si Paolo sa bahay nila pero itinago ito ng dalaga sa kanyang pamilya dahil hindi siya nila maiintindihan.

Binigyan niya ng pagkain at bihisan si Paolo na labis na ikina-touched sa kanya ng binata at agad siyang pinasalamatan. Nangako rin si Candy kay Paolo na gagawin niya ang lahat upang maibalik sa dating itsura ang crush na hearthtrob.

Pero paano kung hindi na matagpuan ang matandang may alam sa love spell book? Ano ang puwedeng gawin ni Candy para maibalik ang kaguwapohan ni Paolo.

Abangan ito sa huling dalawang episodes ng WANSAPANATAYM Presents: “Candy Crush” na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN bago mag Rated K.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply