Saturday , July 2 2022

Angeline, mag-aanak muna bago magpakasal

00 fact sheet reggeeTAWA ng tawa ang entertainment press habang pinanonood ang trailer ng That Thing Called Tanga Na bago nagsimula ang presscon na pinagbibidahan ninaErik Quizon, Kian Cipriano, Martin Escudero, Angeline Quinto, at Billy Crawford ang mga bida na sinuportahan naman nina Nikki Valdez, Jerald Napoles, Ken Alfonso, Lawrence Yap, Luke Conde, Vangie Labalan, Paolo Gumabao, at Albie Casino na idinirehe naman ni Joel Lamangan  produced ngRegal Entertainment.

Si Angeline lang ang nag-iisang babae sa main cast pero hindi naman daw siya nailang dahil sanay na siyang puro bakla ang kasama sa tunay na buhay.

Kuwento ng singer/actress, ”hindi naman po (nailang), kasi sa personal na buhay po ay marami akong kaibigan na bakla noon pa po noong nasa Sampaloc pa po ako hanggang ngayon ay mga kaibigan ko pa rin kaya hindi naman ako nahuhuli sa mga bagong lengguwahe nila (gay lingo) saka ‘yung mg aka-trabaho ini-enjoy namin lalo na si direk Joel hindi naman niya ako pinababayaan, nakakatuwa kasi na-share ko nga kay direk Joel na sobrang idol ko si Maricel Soriano na lahat ng comedy films niya na ginawa ko noon, siya po ‘yung isa sa inspirasyon ko kapag gumagawa ako ng mga ganitong project na kailangan maging masayahin, nakatatawa OA (over acting).

“Sabi ko po, before pa si ate Vice (Ganda) na idolo ko, eh, si Ms. Maricel na talaga  at ‘yung nagsu-supervise sa amin sa dubbing na isa sa nagsu-supervise sa mga movie ni Ms. Maricel ay siya rin ang nagbantay din sa amin kaya nakatutuwa.

“Hindi ko maipaliwanag po talaga na lahat ng mga pangarap ko ay unti-unting lumalapit sa akin, si direk Joel na napaka-supportive sa akin na direktor kahit na first time naming magkatrabaho na kapag may hindi ako naiintindihan o nagagawa ‘yung gusto niya na gagawin ay ayos naman po kaagad kasi tinutulungan niya ako.”

Hindi rin itinanggi ni Angge na naging tanga na siya sa pag-ibig dati.

“Siguro naman po lahat tayo naranasan ‘yun lalo na po ako kasi kapag nagmamahal ako, minsan hindi ko na naiisip ‘yung sarili ko, pero kung naging tanga man ako sa pag-ibig noon, marami rin naman akong natutuhan hindi ko na babalikan, mature na ako ‘no?”natawang sabi ng dalaga.

Sa tanong kung sino ang lovelife ng singer/actress na naging dahilan kaya siya naging tanga, ”non-showbiz po ‘yun, wala na po ‘yun at saka masaya na rin siya sa buhay niya rin,” mabilis nitong sagot.

At noong panahong baliw siya sa pag-ibig ang hiningan daw ni Angeline ng tulong ay si Vice Ganda na talagang nag-alala sa kanya ng todo.

“Hindi ko nga po alam na noong tinawagan ko siya (Vice) ay kasama pala niya ang dyowa niya at maski 2:00 a.m. ay talagang pinuntahan niya ako para damayan at pakalmahin at tatlong oras kaming nag-usap at sa bandang huli ay tawa na ako ng tawa, nakalimutan ko na ‘yung problema ko,” kuwento ng dalaga.

Tawanan ang lahat nang sabihin ni Angeline na malaking kawalan sa mundo ang mga beki dahil pinasasaya nila ang paligid.

Sa tanong kung pabor si Angeline sa same-sex marriage.

“Hindi naman po ako against sa same sex marriage kasi unang-una po ang dami kong kilala na parehong lalaki at babae ikinasal at saka minsan may mga nag-iinvite pa po sa akin na kumanta sa kasal nila, eh, ‘di trabaho rin ‘yun, so malaking tulong naman po sa akin (kabuhayan) kaya bakit naman ako magiging against, ‘di ba? At saka willing naman po silang magbayad ng tama (tawanan ang lahat), totoo po ‘yun, may mga nasa ibang bansa pa nga at legal po roon,”seryosong nakatatawang kuwento pa.

Pagkatapos ng Q and A ay tinanong ulit si Angeline tungkol kay Erik Santoskung anong nangyari at bakit bigla na lang silang naghiwalay na.

“Gusto po kasi ni Erik mag-asawa na kasi nga nasa marrying age na siya, eh, hindi pa po ako handa, marami pa akong dapat gawin na hindi ko pa naibibigay sa pamilya ko. At saka ayaw pa po akong pag-asawahin ng mama (Bob) ko,”kuwento ng dalaga.

Balik-tanong namin kay Angge sa sinabi niya noon sa amin nang maka-tsikahan namin siya sa bloggers presscon ng Divas Concert in Manila na tuwing umaga ay naghahanap si Mama Bob ng mga batang naglalaro sa bahay nila at kailan daw siya bibigyan ng apo.

Hindi naman siguro siya tatanungin ng Mama Bob niya na bigyan siya ng apo kung hindi payag na mag-asawa na siya.

“Ay ayaw pa po akong pag-asawahin talaga, gusto lang magbuntis ako, hindi ako pakakasal. Sabi ko nga, hindi ba puwedeng mag-ampon na lang?

“Sabi po ng Mama Bob ko, ‘ampon ka na nga, kukuha ka pa ng ampon.’ Gusto po niya (mama Bob) ay anak ko talaga,” paliwanag ni Angge.

Hindi na kami nakahirit bigla.

Anyway, mapapanood na ang That Thing Called Tanga Na sa Agosto 10.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply