‘Patay’ na units sa MPD ipinangongolek-tong pa!

Patuloy pa rin palang kumokolek-tong nang malaking  halaga ang isang kotong-cop ng Manila Police District sa mga patay na unit ng MPD Heaquarters.

Ang mga unit na ipinangongolektong pa rin ng isang lespu na alias TATA NIL-NIL  ay MPD-Special Operation Task Force, MPD-Task force Galugad, MPD-Task Force Manhunt, Task Force Anti-Vice ng Vice Mayor’s office at Task Force JIMBA ng Office of the Mayor.

Sigurado tayo na hindi alam ni Yorme Erap at VM Lacuna na nagagamit pa rin ang opisina nila sa pangongolektong ng damuhong Tata Nil-Nil!

Mula sa fun houses, illegal gambling, illegal terminal, pergalan, fixers sa mga fake diploma, fake DVDs at mga pobreng vendors ang kinokolek-tong ni Tata Nil-Nil ang mga patay na unit ng MPD.

MPD DD Gen. Joel Coronel, kalusin mo nang maaga ‘yan walanghiyang Tata Nil-nil at baka ‘yan pa ang makasira sa iyong administrasyon sa Maynila!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]